Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 12

JUAN 12:34-46

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
34At sumagot ang maraming tao sa kaniya, “Narinig namin mula sa kautusan na ang Cristo ay mananatili magpakailanman. Paano mo masasabi, “Ang Anak ng Tao ay kailangan itaas?” “Sino itong Anak ng Tao?”
35Saka sinabi ni Jesus sa kanila, “Gayunman sa kaunting panahon na lamang ay kasama ninyo ang ilaw. Lumakad habang nasa inyo ang liwanag upang hindi kayo abutan ng kadililman. Ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nakakaalam kung saan siya patutungo.
36Habang mayroon sa inyo ang liwanag, sumampalataya kayo sa liwanag upang kayo ay maging mga anak ng liwanag. Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito, at pagkatapos umalis siya at hindi na muling nagpakita sa kanila.
37Kahit na maraming nagawang mga tanda si Jesus sa harapan nila, hindi pa rin sila sumampalataya sa kaniya
38upang ang salita ni Isaias na propeta ay maaring matupad, na kaniyang sinabi: “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ulat? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?”
39Sa kadahilanang ito hindi sila sumasampalataya, sapagkat sinabi rin ni Isaias,
40“Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso, kung hindi man, makikita nila sa kanilang mga mata at makauunawa sa kanilang mga puso, at manumbalik, at pagagalingin ko sila.
41Sinabi ang mga bagay na ito ni Isaias sapagkat nakita niya ang kaluwalhatian ni Jesus, at nagsalita siya ng tungkol sa kaniya.
42Gayunpaman, maraming mga pinuno ang naniwala kay Jesus, pero dahil sa mga Pariseo, hindi nila inaamin ito upang hindi sila ipagbawal sa sinagoga.
43Minahal nila ang papuri na nagmumula sa mga tao kaysa sa papuring nagmumula sa Diyos.
44Sumigaw si Jesus at nagsabi, “Ang sumasampalataya sa akin ay hindi lang sa akin sumasampalataya kundi maging sa kaniya na nagsugo sa akin.
45At ang nakakakita sa akin ay nakakakita sa kaniya na nagsugo sa akin.
46Ako ay naparito bilang isang liwanag sa mundo upang ang sinumang maniwala sa akin ay hindi na manatili sa kadiliman.

Read JUAN 12JUAN 12
Compare JUAN 12:34-46JUAN 12:34-46