Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 12

JUAN 12:15-40

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15“Huwag kang matakot, mga anak na babae ng Sion, tingnan, ang inyong Hari ay dumarating, nakaupo sa isang batang asno.”
16Hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga ito sa simula, ngunit nang maluwalhati na si Jesus, naalala nila na ang mga bagay na ito ay nasulat patungkol sa kaniya at na ginawa nila sa kaniya ang mga bagay na ito ay.
17Ngayon ang maraming mga tao na nakasama ni Jesus ng tawagin niya si Lazarus palabas sa libingan at binuhay mula sa mga patay, ay nagpatotoo sa iba.
18Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga tao ay lumabas upang salubungin siya, dahil narinig nilang ginawa niya ang tandang ito.
19Kaya nagsabi ang mga Pariseo sa isa't isa: Tingnan ninyo, wala kayong magagawa; tingnan ninyo, ang sanlibutan ay sumusunod sa kaniya.”
20Ngayon, may ilang mga Griyego na kasama nilang umakyat upang sumamba sa kapistahan.
21Lumapit sila kay Felipe na mula sa Bethsaida ng Galilea, at tinanong siya na nagsasabi, “Ginoo, nais naming makita si Jesus.”
22Pumunta si Felipe at sinabi kay Andres; si Andres ay pumunta kasama si Felipe, at sinabi nila kay Jesus.
23Sinagot sila ni Jesus at sinabi, “Ang oras ay dumating na upang ang Anak ng Tao ay luwalhatiin.
24Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, maliban na ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ito ay nanatili sa kaniyang sarili na mag-isa, ngunit kung ito ay mamatay, magbubunga ito ng napakarami.
25Ang nagmamahal sa kaniyang buhay ay mawawalan nito, subali't ang namumuhi sa kaniyang buhay sa mundong ito ay mapapanatili ito para sa walang hanggang buhay.
26Kung sinuman ang maglingkod sa akin, sumunod siya sa akin, at kung saan ako naroroon, ang aking lingkod ay naroon din. Kung sinuman ang maglingkod sa akin, pararangalan siya ng Ama.
27Ang aking kaluluwa ay nababagabag ngayon, “Ano ang aking sasabihin? 'Ama, iligtas mo ako sa oras na ito'? Subalit dahil dito, naparito ako sa oras na ito.
28Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” Pagkatapos isang tinig ang nagmula sa langit, at nagsabi, “Niluwalhati ko na at muli ko rin itong luluwalhatiin”
29Pagkatapos ang maraming mga tao na nakatayo sa malapit at nakarinig nito ay nagsabi na kumulog. Sinabi ng iba, “Isang anghel ang nagsalita sa kaniya.”
30Sumagot si Jesus at nagsabi, “Ang tinig na ito ay hindi dumating alang-alang sa akin, kundi para sa inyong kapakanan.
31Ngayon na ang paghuhukom nitong mundo. Ngayon itataboy ang prinsipe ng mundong ito.
32At ako, kung ako ay maitaas mula sa lupa, aking ilalapit ang mga tao sa aking sarili.
33Sinabi niya ito upang ipahiwatig kung sa paanong paraan na kamatayan siya mamamatay.
34At sumagot ang maraming tao sa kaniya, “Narinig namin mula sa kautusan na ang Cristo ay mananatili magpakailanman. Paano mo masasabi, “Ang Anak ng Tao ay kailangan itaas?” “Sino itong Anak ng Tao?”
35Saka sinabi ni Jesus sa kanila, “Gayunman sa kaunting panahon na lamang ay kasama ninyo ang ilaw. Lumakad habang nasa inyo ang liwanag upang hindi kayo abutan ng kadililman. Ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nakakaalam kung saan siya patutungo.
36Habang mayroon sa inyo ang liwanag, sumampalataya kayo sa liwanag upang kayo ay maging mga anak ng liwanag. Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito, at pagkatapos umalis siya at hindi na muling nagpakita sa kanila.
37Kahit na maraming nagawang mga tanda si Jesus sa harapan nila, hindi pa rin sila sumampalataya sa kaniya
38upang ang salita ni Isaias na propeta ay maaring matupad, na kaniyang sinabi: “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ulat? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?”
39Sa kadahilanang ito hindi sila sumasampalataya, sapagkat sinabi rin ni Isaias,
40“Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso, kung hindi man, makikita nila sa kanilang mga mata at makauunawa sa kanilang mga puso, at manumbalik, at pagagalingin ko sila.

Read JUAN 12JUAN 12
Compare JUAN 12:15-40JUAN 12:15-40