Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 17

Lucas 17:1-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Tiyak na darating ang mga bagay na magiging dahilan upang tayo ay magkasala, ngunit aba sa taong pagmumulan ng mga ito!
2Mas mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato at ihagis siya sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakatisod ng maliliit na ito.
3Mag-ingat kayo. Kung nagkasala ang iyong kapatid na lalaki, sawayin mo siya, at kung siya ay nagsisi, patawarin mo siya.
4Kapag nagkasala siya laban sa iyo ng pitong beses sa isang araw, at pitong beses na bumalik sa iyo, sinasabi, 'Nagsisisi ako,' dapat mo siyang patawarin!”
5Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang aming pananampalataya.”
6Sinabi ng Panginoon, “Kung may pananampalataya kayo na tulad ng isang butil ng mustasa, sasabihin ninyo sa puno ng sicamorong ito, 'Mabunot ka, at matanim sa dagat,' at kayo ay susundin nito.
7Ngunit sino sa inyo, na may lingkod na nag-aararo o nag-aalaga ng tupa, ang magsasabi sa kaniya kapag nakabalik na siya mula sa bukid, 'Pumarito ka kaagad at umupo upang kumain'?
8Hindi ba niya sasabihin sa kaniya, 'Maghanda ka ng kakainin ko, magbigkis ka at pagsilbihan mo ako hanggang sa matapos akong kumain at uminom. At pagkatapos, kumain ka at uminom'?
9Hindi siya nagpapasalamat sa lingkod dahil ginawa niya ang mga bagay na iniutos, nagpapasalamat ba siya?
10Ganoon din kayo, kapag nagawa ninyo ang lahat ng bagay na iniutos sa inyo, dapat ninyong sabihin, 'Hindi kami karapat-dapat na mga lingkod. Ginawa lang namin ang dapat naming gawin.”'
11Nangyari na habang sila ay nasa daan patungong Jerusalem, siya ay naglalakbay sa lupaing pagitan ng Samaria at Galilea.
12At sa kaniyang pagpasok sa isang nayon, doon ay sinalubong siya ng sampung lalaking ketongin. Tumayo sila nang malayo sa kaniya
13at nilakasan nila ang kanilang tinig, sinasabi, “Jesus, Amo, maawa ka sa amin.”
14Nang makita niya sila, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo at ipakita ninyo ang inyong mga sarili sa mga pari.” At nangyari nga na habang sila ay papunta, sila ay nalinisan.
15Nang makita ng isa sa kanila na gumaling siya, bumalik siya nang may malakas na tinig na niluluwalhati ang Diyos.
16Yumuko siya sa paanan ni Jesus, nagpapasalamat sa kaniya. Isa siyang Samaritano.
17Sumagot si Jesus, sinabi, “Hindi ba sampu ang nilinis?

Read Lucas 17Lucas 17
Compare Lucas 17:1-17Lucas 17:1-17