Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 18

JUAN 18:27-32

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
27At itinanggi itong muli ni Pedro, at agad-agad tumilaok ang tandang.
28Pagkatapos ay dinala nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa Pretorio. Umagang-umaga pa noon at sila mismo ay hindi pumasok sa Pretorio upang hindi sila marumihan at upang sila ay makakain sa Paskwa.
29Kaya lumabas si Pilato sa kanila at sinabing, “Anong paratang ang dala-dala ninyo laban sa lalaking ito?”
30Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Kung ang lalaking ito ay hindi manggagawa ng masama, hindi namin siya dadalhin sa iyo.”
31Kaya sinagot sila ni Pilato, “Dalhin ninyo siya, at hatulan siya ayon sa inyong batas.” Sinabi ng mga Judio sa kaniya, “Hindi naaayon sa batas para sa amin ang pumatay ng sinumang tao.”
32Sinabi nila ito upang matupad ang mga salita ni Jesus, ang salita na kaniyang sinabi na ipinahiwatig kung anong uri ng kamatayan siya mamamatay.

Read JUAN 18JUAN 18
Compare JUAN 18:27-32JUAN 18:27-32