Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 10

JUAN 10:5-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Hindi sila susunod sa isang estranghero ngunit sa halip ay iiwasan ito, sapagkat hindi nila kilala ang boses ng mga estranghero.”
6Sinabi ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naintindihan kung ano ang mga bagay na ito na sinasabi niya sa kanila.
7Pagkatapos muling sinabi ni Jesus sa kanila, “Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, ako ang pinto ng mga tupa.
8Lahat nang naunang dumating sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit ang mga tupa ay hindi nakinig sa kanila.
9Ako ang tarangkahan. Kung sinumang pumapasok sa pamamagitan ko, siya ay maliligtas; siya ay papasok at lalabas at makakahanap ng pastulan.
10Ang magnanakaw ay hindi pumarito maliban sa pagnanakaw, pagpatay, at pagwasak. Ako ay pumarito upang sila ay magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito.
11Ako ang mabuting pastol. Inialay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa.
12Ang isang bayarang-lingkod, na hindi isang pastol, na hindi nagmamay-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo at pinababayaan ang mga tupa at tumatakas. Tinatangay ng lobo ang mga ito at pinangangalat ang mga ito.
13Siya ay tatakbo dahil siya ay isang bayarang-lingkod at hindi nagmamalasakit sa mga tupa.
14Ako ang mabuting pastol, at kilala ko ang sa akin, at ang sa akin ay nakikilala ako.
15Kilala ako ng Ama, at kilala ko ang Ama, at ibinigay ko ang aking buhay para sa mga tupa.
16Mayroon akong iba pang mga tupa na wala sa tupahang ito. Sila din, kailangan kong dalhin, at makikinig sila sa aking boses upang magkaroon lamang ng isang kawan at isang pastol.
17Ito ang dahilan kung bakit ako iniibig ng Ama: Ibibigay ko ang aking buhay upang muli kong kunin.
18Walang sinumang kukuha nito sa akin, kundi kusa ko itong ibibigay. Ako'y mayroong kapangyarihang ibigay ito, at mayroon din akong kapangyarihan na ito ay kunin muli. Natanggap ko ang utos na ito mula sa Ama.”
19Isang pagkakabaha-bahagi ang muling nangyari sa gitna ng mga Judio dahil sa mga salitang ito.
20Sinabi ng marami sa kanila, “Mayroon siyang demonyo at nababaliw. Bakit kayo nakikinig sa kaniya?”
21Sinabi ng iba, “Hindi ito ang mga pahayag ng isang inaalihan ng isang demonyo. Kaya ba ng isang demonyo na makapagpadilat ng mga mata ng isang bulag?”
22At dumating ang Kapistahan ng Pagtatalaga sa Jerusalem.
23Taglamig noon, at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Solomon.
24At pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kaniya, “Hanggang kailan mo kami pananatilihing bitin? Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo nang maliwanag.”
25Sumagot si Jesus sa kanila, “Sinabihan ko kayo, ngunit hindi kayo naniwala. Ang mga gawain na aking ginawa sa ngalan ng aking Ama, ang mga ito ang magpapatotoo patungkol sa akin.
26Gayunman hindi kayo naniwala dahil hindi ko kayo mga tupa.

Read JUAN 10JUAN 10
Compare JUAN 10:5-26JUAN 10:5-26