Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 17

JUAN 17:13-24

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Ngayon, ako ay pupunta sa iyo; ngunit sinasabi ko ang mga bagay na ito sa mundo upang sila ay magkaroon ng aking kagalakan na ginawang lubos sa kanilang mga sarili.
14Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; ang mundo ay namuhi sa kanila sapagkat hindi sila sa mundo, katulad lamang na ako ay hindi sa mundo.
15Hindi ko ipinapanalangin na dapat mo silang kunin mula sa mundo ngunit sila ay dapat mong pangalagaan mula sa kaniya na masama.
16Sila ay hindi mula sa mundo, tulad ko na hindi mula sa mundo.
17Italaga mo sila sa iyong sarili na nasa katotohanan; ang iyong salita ay katotohanan.
18Isinugo mo ako sa mundo, at isinugo ko sila sa mundo.
19Alang-alang sa kanila itinalaga ko ang aking sarili sa iyo ng sa gayon sila din ay maitalaga sa iyo sa katotohanan.
20Hindi ako nanalangin para lang sa mga ito, ngunit pati na rin sa mga mananampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita
21upang lahat sila ay maging isa, na gaya mo, Ama, ay nasa akin, at ako ay nasa iyo. Ipinapanalangin ko na sila rin ay magig isa sa atin upang ang mundo ay maniwala na isinugo mo ako.
22Ang kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin — ibinigay ko ito sa kanila, upang sila ay maging isa, tulad natin na iisa —
23ako sa kanila, at ikaw sa akin, na sila ay maging ganap na iisa; nang malaman ng mundo na ikaw ang nagsugo sa akin, at minahal ko sila, tulad ng pagmamahal mo sa akin.
24Ama, silang mga ibinigay mo sa akin — nais ko rin na sila ay makasama ko kung nasasaan ako, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: dahil ako ay minahal mo mula noong bago pa lang natatag ang mundo.

Read JUAN 17JUAN 17
Compare JUAN 17:13-24JUAN 17:13-24