Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 3

Lucas 3:3-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Siya ay naglakbay sa buong rehiyon sa palibot ng ilog Jordan, nangangaral ng bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
4Gaya ito ng nasusulat sa libro ng mga salita ni propeta Isaias, “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, 'Ihanda ang daraanan ng Panginoon, gawing tuwid ang kaniyang landas.
5Ang bawat lambak ay mapupunan, ang bawat bundok at burol ay gagawing patag, ang mga likong daan ay magiging tuwid, at ang mga daang baku-bako ay gagawing maayos.
6Ang lahat ng tao ay makikita ang pagliligtas ng Diyos.”
7Kaya sinabi ni Juan sa napakaraming bilang ng tao na dumarating upang magpabautismo sa kaniya, “Kayo na mga anak ng mga makamandag na ahas, sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa poot na paparating?”
8Mamunga kayo ng karapat-dapat sa pagsisisi, at huwag ninyong simulan na sabihin sa inyong mga sarili, 'Mayroon tayong Abraham bilang ama natin,' dahil sinasabi ko sa inyo na ang Diyos ay may kakayahang lumikha ng mga anak para kay Abraham kahit pa mula sa mga batong ito.
9Ang palakol ay nailagay na sa ugat ng mga puno. Kaya ang bawat puno na hindi namumunga nang mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy.”
10At ang maraming tao ay nagtanong sa kaniya, nagsasabi “Ano ang dapat naming gawin?”
11Siya ay sumagot at sinabi sa kanila, “Kung ang isang tao ay may dalawang tunika, dapat niyang ibigay ang isa sa sinumang wala nito at sinuman ang may pagkain ay ganoon din ang dapat gawin.”
12At may ilang mga maniningil ng buwis ang dumating upang mabautismuhan, at sinabi nila sa kaniya, “Guro, ano ang dapat naming gawin?”
13Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong maningil nang higit sa dapat ninyong sinisingil.”
14May ilang mga kawal rin ang nagtanong sa kaniya, nagsasabi, “At paano naman kami? Ano ang dapat naming gawin?” Sinabi niya sa kanila. “Huwag kayong kumuha ng salapi kanino man nang sapilitan, at huwag ninyong paratangan ang sinuman ng hindi totoo. Masiyahan kayo sa inyong mga sahod.”
15Ngayon, habang ang mga tao ay sabik na naghihintay na dumating si Cristo, nagtataka ang bawat isa sa kanilang mga puso kung si Juan mismo ang Cristo.
16Sinagot sila ni Juan na nagsabi sa kanilang lahat, “Para sa akin, binabautismuhan ko kayo ng tubig, ngunit may isang paparating na mas higit na makapangyarihan kaysa sa akin, at hindi ako karapat-dapat na magkalag man lang ng tali ng kaniyang mgapnyapaks. Siya ang magbabautismo sa inyo ng Banal na Espiritu at ng apoy.
17Ang kaniyang kalaykay ay hawak niya sa kaniyang kamay upang linisin nang mabuti ang kaniyang giikan at upang tipunin ang trigo sa kaniyang kamalig. Ngunit susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mamamatay kailanman.”
18Sa pamamagitan ng iba pang madaming panghihikayat, ipinangaral niya ang magandang balita sa mga tao.
19Sinaway din ni Juan si Herodes na tetrarka, dahil pinakasalan niya ang asawa ng kaniyang kapatid na lalaki, na si Herodias, at sa lahat ng iba pang kasamaan na ginawa ni Herodes.

Read Lucas 3Lucas 3
Compare Lucas 3:3-19Lucas 3:3-19