18Ang Diyos, na nagsasabi sa isang hari, “Ikaw a hamak”, o sinasabi sa mga maharlika, 'Ikaw ay masama”?
19Hindi nagpapakita ang Diyos ng pagtatangi sa mga pinuno at hindi niya kinikilala ang mayayaman kaysa sa mahirap, dahil silang lahat ay ginawa ng kaniyang kamay.
20Sa isang sandali sila ay namatay; sa hating-gabi mayayanig ang mga tao at mamamatay; ang mga taong malalakas ay kukunin, pero hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao.
21Dahil ang mga mata ni Yahweh ay nakatuon sa pamumuhay ng tao; nakikita niya ang lahat ng hakbang niya.
22Walang kadiliman, walang makapal na karimlan ang makakapagtago sa kanilang sarili sa mga gumagawa ng kasalanan.
23Dahil hindi na kailangan ng Diyos na suriin pa nang maigi ang isang tao; hindi na kailangang pumunta ng sinuman sa harapan niya para sa paghuhukom.
24Winawasak niya nang pira-piraso ang mga malalakas na tao dahil ang kanilang mga pamumuhay ay hindi na kailangan pang suriin; naglalagay siya ng iba sa kanilang mga lugar.
25Sa paraang ito, mayroong siyang kaalaman sa kanilang mga ginagawa; binabagsak niya ang mga taong ito sa gabi; sila ay winasak.
26Sa harapan ng lahat ng tao, pinatay niya sila dahil sa kanilang masasamang gawa gaya ng mga kriminal
27dahil lumayo sila mula sa pagsunod sa kaniya at tumangging kilalanin ang kaniyang mga pamamaraan.
28Sa paraang ito, ginawa nilang ilapit ang iyak ng mahihirap sa kaniya; pinakinggan niya ang iyak ng mga taong nahihirapan.
29Kapag siya ay nanatiling tahimik, sino ang maaring magparatang sa kaniya? Kung itatago niya ang kaniyang mukha, sino ang maaring makakakilala sa kaniya? Namamahala siya sa lahat ng bansa at bawat tao,
30kaya hindi mamahala ang hindi maka-diyos, kaya walang ni isa ang mabibitag.
31Ipagpalagay natin na may taong nagsabi sa Diyos, “Tiyak akong may sala, pero hindi na ako magkakasala;
32ituro mo kung ano ang hindi ko nakikita; gumawa ako ng kasalanan, pero hindi ko na ito gagawin.”
33Sa tingin mo parurusahan ng Diyos ang kasalanan ng taong iyon, dahil sa hindi mo gusto ang ginawa ng Diyos? Dapat kang mamili, hindi ako. Kaya sabihin mo ang iyong nalalaman.
34Sasabihin sa akin ng matatalinong tao - tunay nga, na sasabihin sa akin ng bawat matatalinong tao na nakaririnig sa akin,