Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Job

Job 15

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Pagkatapos sumagot si Elifaz ang Temanita at sinabi,
2Nararapat bang sumagot ang isang matalinong tao nang walang kabuluhang kaalaman at pupunuin ba ng kaniyang sarili ng hanging silangan?
3Nararapat ba siyang magdahilan nang walang pakinabang na pakikipag-usap o mga pananalita na maaaring hindi makakagawa sa kaniya ng mabuti?
4Tunay nga, inalis mo ang paggalang para sa Diyos; pinigilan mo ang debosyon para sa kaniya,
5dahil ang iyong kasalanan ang nagtuturo sa iyong bibig; pinili mong magkaroon ka ng dila ng isang taong mapanlinlang.
6Ang sarili mong bibig ang sumusumpa sa iyo, hindi sa akin; sa katunayan nga, ang sarili mong mga labi ang nagpapatunay laban sa iyo.
7Ikaw ba ang unang taong ipinanganak? Dinala ka ba na mabuhay bago ang mga burol?
8Narinig mo ba ang lihim na kaalaman ng Diyos? Nilimitahan mo ba ang karunungan sa iyong sarili?
9Anong nalalaman mo na hindi namin nalalaman? Anong nauunawaan mo na wala rin sa amin?
10Kasama namin ang kapwa puti ang buhok at napakatandang tao na mas matanda pa kaysa sa iyong ama.
11Ang mga kaaliwan ba ng Diyos ay napakaliit para sa iyo, ang mga salitang mahinahon sa iyo?
12Bakit ka nadaig ng iyong puso? Bakit ang iyong mga mata ay nanglilisik,
13sa gayon ibaling mo ang iyong espiritu laban sa Diyos at maglabas ka ng ganoong mga salita mula sa iyong bibig?
14Ano ang tao na siya ay dapat maging malinis? Ano siya na ipinanganak ng isang babae na dapat maging matuwid?
15Tingnan mo, hindi nagtitiwala ang Diyos kahit sa kaniyang mga hinirang; sa katunayan nga, ang kalangitan ay hindi malinis sa kaniyang paningin;
16gaano kaunti ang isang malinis na karumal-dumal at makasalanan, isang tao na umiinom ng kasalanan tulad ng tubig!
17Ipapakita ko sa iyo; pakinggan mo ako; ipapahayag ko sa iyo ang mga bagay na aking nakita,
18ang mga bagay na ipinasa ng mga taong matatalino mula sa kanilang mga ama, ang mga bagay na hindi itinago ng kanilang mga ninuno.

19Ang mga ito ay kanilang mga ninuno, sa nag-iisang binigyan ng lupain, at sa kanilang kalagitnaan ay walang dayuhan ang dumaan.
20Ang masasamang tao na namimilipit sa sakit sa lahat ng araw niya, ang bilang ng mga taon na inilaan para sa taong mapang-api para magdusa.
21Isang kalila-kilabot na tunog ay nasa kaniyang mga tainga; habang siya ay nasa kasaganaan, ang tagapagwasak ay darating sa kanila.
22Hindi niya naiisip na babalik siya sa kadiliman; nakaabang ang espada para sa kaniya.
23Gumagala siya sa iba-ibang mga lugar dahil sa tinapay, na sinasabing, 'Nasaan na ito?' Nalalaman niya ang araw ng kadiliman ay malapit na.
24Ang pagdadalamhati at pagkahapis ay ginagawa siyang takot; nagwagi sila laban sa kaniya, tulad ng isang hari na handa sa labanan.
25Dahil inabot niya ng kaniyang kamay laban sa Diyos at kumikilos nang may pagmamalaki laban sa Makapangyarihan,
26ang masamang taong ito na lumalaban sa Diyos na may matigas na leeg, na may isang makapal na kalasag.
27Totoo ito, kahit tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at mataba rin ang kaniyang mga pigi,
28at nanirahan sa mga wasak na lungsod; sa mga bahay na walang taong nakatira ngayon at handa nang maging mga tambakan.
29Hindi siya magiging mayaman; hindi magtatagal ang kaniyang yaman; kahit ang kaniyang anino ay hindi magtatagal sa daigdig.
30Hindi siya umalis sa kadiliman; isang apoy ang magtutuyo sa kaniyang mga sanga; at sa hininga ng bibig ng Diyos siya ay papanaw.
31Huwag siyang hayaang magtiwala sa mga walang kabuluhang bagay, nililinlang niya ang kaniyang sarili; dahil ang walang pakinabang ang kaniyang magiging gantimpala.
32Mangyayari ito bago ang panahon ng kaniyang kamatayan; ang kaniyang sanga ay hindi magiging luntian.
33Ihuhulog niya ang kaniyang mga hilaw na ubas tulad ng puno ng ubas; itatapon niya ang kaniyang mga bulaklak tulad ng puno ng olibo.
34Dahil ang mga kasamahan ng hindi maka-diyos na tao ay hindi mamumunga; tutupukin ng apoy ang kanilang mga tolda ng panunuhol.
35Nagbubuntis sila ng kasamaan at nanganganak ng kasalanan; sa kanilang sinapupunan ay nagbubuntis ng panlilinlang.”