8Nawa umigsi ang kaniyang mga araw; nawa may ibang kumuha ng kaniyang katungkulan.
9Nawa ang kaniyang mga anak ay mawalan ng ama, at nawa ang kaniyang asawang babae ay maging balo.
10Nawa mahibang at magmakaawa ang kaniyang mga anak, na nanghihingi ng limos sa kanilang pag-alis sa kanilang wasak na tahanan.
11Nawa kunin ng pinagkakautangan ang lahat ng kaniyang pag-aari; nawa nakawin ng mga dayuhan ang kaniyang kinikita.
12Nawa walang sinuman ang mag-abot ng kabutihan sa kaniya; nawa walang sinuman ang magkaroon ng awa sa kaniyang mga anak na walang ama.
13Nawa ang kaniyang mga anak ay mawala; nawa ang kanilang mga pangalan ay mabura sa susunod na salinlahi.
14Nawa mabanggit ang kasalanan ng kaniyang mga ninuno kay Yahweh; at nawa ang kasalanan ng kaniyang ina ay hindi malimutan.
15Nawa ang kanilang pagkakasala ay palaging nasa harapan ni Yahweh; nawa burahin ni Yahweh ang kanilang alaala mula sa mundong ito.
16Nawa gawin ito ni Yahweh dahil ang taong ito ay hindi kailanman nag-abala na magpakita ng kahit anong katapatan sa tipan, pero sa halip ay ginugulo ang mga api, mga nangangailangan, at mga pinanghinaan ng loob sa kamatayan.