1Gamit ang aking boses ako ay tumatawag kay Yahweh; nagsumamo ako gamit ang aking boses kay Yahweh.
2Ibinuhos ko ang aking pagdadalamhati sa harap niya; sinabi ko sa kaniya ang aking mga kaguluhan.
3Kapag nanghina ang aking espiritu, alam mo ang aking landas. Sa aking paglalakad sila ay nagtago ng patibong para sa akin.
4Tumingin ako sa aking kanan at nakita na walang sinuman ang nagmamalasakit sa akin. Hindi na ako makakatakas; walang nag-aalala sa aking buhay.
5Ako ay tumawag sa iyo, Yahweh; at sinabi, “Ikaw ang aking kublihan, ang aking bahagi sa lupain ng mga buhay.
6Makinig ka sa aking tawag, dahil napakalungkot ko; sagipin mo ako mula sa aking mga taga-usig, dahil sila ay mas malakas kaysa sa akin.
7Ilabas mo ang aking kaluluwa mula sa kulungan para ako ay makapagpasalamat sa iyong pangalan. Ang matutuwid ay magtitipon sa aking paligid dahil ikaw ay naging mabuti sa akin.”