Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit

Mga Awit 133

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Masdan niyo, napakabuti at kaaya-aya para sa mga kapatiran na sama-samang manatili ng may pagkakaisa!
2Tulad ito ng mamahaling langis sa ulo na dumaloy pababa sa balbas ni Aaron, na dumaloy sa kaniyang mga kasuotan.
3Tulad ito ng hamog sa Hermon, na bumababa sa bundok ng Sion. Dahil doon nag-utos si Yahweh ng pagpapala, buhay magpakailanman.