Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit

Mga Awit 83

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1O Diyos, huwag kang manahimik! Huwag mo kaming isawalang bahala at manatiling hindi kumikilos, O Diyos.
2Tingnan mo, ang iyong mga kaaway ay nanggugulo, at ang mga napopoot sa iyo ay nagmamataas.
3Sila ay nagsasabwatan laban sa iyong bayan at magkakasamang nagbabalak laban sa iyong mga pinangangalagaan.
4Sinabi nila, “Halina, at wasakin natin sila bilang isang bansa. Sa gayon ang pangalan ng Israel ay hindi na maaalala pa.”
5Sama-sama silang nagbalak ng isang mahusay na paraan; gumawa sila ng alyansa laban sa iyo.
6Kabilang dito ang mga tolda ng Edom at ang mga Ismaelita, at ang mga mamamayan ng Moab at ang Agarenos, na nagbalak ng masama kasama nina
7Gebal, Ammon, Amalek; kabilang din dito ang Filistia at ang mga nakatira sa Tiro.
8Ang Asiria ay kaanib din nila; sila ay tumutulong sa kaapu-apuhan ni Lot. Selah
9Gawin mo sa kanila ang tulad ng ginawa mo sa Midian, sa Sisera at sa Jabi sa Ilog ng Kison.
10Namatay sila sa Endor at naging tulad ng pataba sa lupa.
11Gawin mong tulad nina Oreb at Zeeb ang kanilang mga maharlika, at lahat ng kanilang mga prinsipe tulad nina Zeba at Zalmuna.
12Sinabi nila, “Kunin natin ang mga pastulan ng Diyos.”
13Aking Diyos, gawin mo silang tulad ng ipo-ipong alikabok, tulad ng ipa sa hangin,
14tulad ng apoy na sumusunog sa gubat, at tulad ng apoy na sumusunog sa kabundukan.
15Habulin mo sila ng iyong malakas na hangin, at sindakin sila ng iyong bagyo.
16Balutan mo ang kanilang mga mukha ng kahihiyan para hanapin nila ang iyong mukha, Yahweh.
17Nawa mailagay sila sa kahihiyan at masindak magpakailanman; nawa ay mamatay sila sa kahihiyan.
18At malalaman nila na ikaw lamang, Yahweh, ang Kataas-taasan sa buong mundo.