Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit

Mga Awit 131

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Yahweh, ang aking puso ay hindi nagmamalaki o aking mga mata ay hindi nagmamataas, wala akong matataas na pangarap para sa aking sarili o pag-aalala sa mga bagay na hindi ko naaabot.
2Tunay nga na pinanatili ko at pinatahimik ang aking kaluluwa; tulad ng batang nawalay na sa kaniyang ina, ang aking kaluluwa ay nasa loob ko tulad ng isang batang nawalay na.
3Israel, umasa ka kay Yahweh ngayon at magpakailanman.