Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit

Mga Awit 121

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Itataas ko ang aking mga mata sa mga bundok. Mula saan manggagaling ang aking saklolo?
2Ang saklolo sa akin ay nanggagaling kay Yahweh, na gumawa ng langit at lupa.
3Hindi niya papayagang madulas ang paa mo; siya na nag-iingat sa iyo ay hindi iidlip.
4Tingnan mo, ang tagapangalaga ng Israel ay hindi kailanman iidlip o matutulog.
5Tagapangalaga ninyo si Yahweh; si Yahweh ay lilim sa inyong kanang kamay.
6Hindi ka masasaktan ng araw sa umaga, ni ng buwan sa gabi.
7Iingatan ka ni Yahweh sa lahat ng kapahamakan, at iingatan niya ang iyong buhay.
8Iingatan ni Yahweh ang lahat ng iyong ginagawa ngayon at magpakailanman.