Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 11

JUAN 11:5-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Ngayon mahal ni Jesus si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro.
6Nang marinig ito ni Jesus, nanatili pa siya ng dalawang araw sa lugar kung nasaan siya.
7Pagkatapos nito, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Tayo nang muli sa Judea.”
8Sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Rabi, ngayon palang ay sinusubukan kang batuhin ng mga Judio, at babalik ka ba muli roon?
9Sumagot si Jesus, “Hindi ba sa isang araw ay may labingdalawang oras na liwanag? Kapag ang isang tao ay lumalakad samantalang araw, hindi siya matitisod sapagkat nakakakita siya sa pamamagitan ng liwanag ng araw.
10Gayon pa man, kung siya ay lumalakad sa gabi, siya ay matitisod dahil wala sa kaniya ang liwanag.
11Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito, at pagkatapos ng mga bagay na ito, sinabi niya sa kanila, “Ang ating kaibigan na si Lazaro ay nakatulog, subalit pupunta ako doon upang gisingin siya mula sa kaniyang pagkakatulog.”
12Kaya sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Kung si Lazaro ay nakatulog, siya ay gagaling.
13Ngayon, sinabi sa kanila ni Jesus ang tungkol sa kamatayan ni Lazaro, ngunit inakala nilang lahat na ito ay tungkol lamang sa pagpapahinga sa pagtulog.
14Pagkatapos, sinabi sa kanila ni Jesus nang malinaw, “Si Lazaro ay patay na.”
15Para sa inyong kapakanan, masaya ako na wala ako roon upang kayo ay maniwala. Pumunta tayo sa kaniya.
16Si Tomas na dating tinatawag na Didimo, sinabi niya sa kapwa niya alagad, “Pumunta rin tayo, upang mamatay din tayo kasama ni Jesus.”

Read JUAN 11JUAN 11
Compare JUAN 11:5-16JUAN 11:5-16