Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Taga-Roma - Mga Taga-Roma 3

Mga Taga-Roma 3:9-19

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Ano ngayon? Sasabihin ba nating mas mabuti tayo? Hindi sa anumang paraan. Sapagkat pinaratangan na natin ang mga Judio at Griyego, silang lahat, sa pagiging nasa ilalim ng kasalanan.
10Ito ay gaya ng nasusulat: “Walang matuwid, wala ni isa.
11Walang nakauunawa. Walang humahanap sa Diyos.
12Silang lahat ay nagsilihis. Silang lahat ay naging walang silbi. Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
13Ang kanilang lalamunan ay tulad ng isang bukas na libingan. Ang kanilang mga dila ay mayroong panlilinlang. Ang kamandag ng ahas ay nasa kanilang mga labi.
14Ang kanilang mga bibig ay puno ng pagmumura at kapaitan.
15Ang mga paa nila ay matutulin upang magdanak ng dugo.
16Pagkawasak at pagdurusa ang nasa kanilang mga landas.
17Ang mga taong ito ay walang alam sa daan ng kapayapaan.
18Walang pagkatakot sa Diyos sa kanilang mga mata.”
19Ngayon ay nalalaman natin na anuman ang sinasabi ng batas, ito ay sinasabi sa mga taong nasa ilalim ng batas. Ito ay upang matikom ang bawat bibig at upang ang lahat ng nasa sanlibutan ay may pananagutan sa Diyos.

Read Mga Taga-Roma 3Mga Taga-Roma 3
Compare Mga Taga-Roma 3:9-19Mga Taga-Roma 3:9-19