Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Taga-Roma

Mga Taga-Roma 15

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ngayon tayong mga malalakas ang nararapat na pumasan sa mga kahinaan ng mga mahihina, at hindi natin dapat bigyang-lugod ang ating mga sarili.
2Bigyang-lugod ng bawat isa sa atin ang kaniyang kapwa dahil mabuti iyon, upang pagtibayin siya.
3Sapagkat kahit si Cristo ay hindi nagbigay-lugod sa kaniyang sarili. Sa halip, gaya ng nasusulat, “Ang mga panlalait ng mga nanlait sa iyo ay sa akin bumabagsak”.
4Dahil anuman ang isinulat noong una ay para sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pamamangitan ng pagpapalakas ng loob ng mga kasulatan ay magkakaroon tayo ng pag-asa.
5Ngayon, nawa ang Diyos ng pagtitiis at ng lakas ng loob ay pagkalooban kayo ng iisang pag-iisip ayon kay Cristo Jesus.
6Nawa ay gawin niya ito upang kayo na may iisang pag-iisip ay magpuri ng may iisang bibig sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
7Kaya tanggapin ninyo ang isa't isa, gaya ng pagtanggap din sa inyo ni Cristo, sa ikapupuri ng Diyos.
8Sapagkat sinasabi ko na si Cristo ay ginawang lingkod ng pagtutuli sa ngalan ng katotohanan ng Diyos. Ginawa niya ito upang patotohanan niya ang mga pangakong ibinigay sa mga ninuno,
9at para sa mga Gentil upang papurihan nila ang Diyos sa kaniyang awa. Ito ay gaya ng nasusulat, “Kaya pupurihin kita kasama ng mga Gentil, at aawit ng papuri sa pangalan mo.”
10Muling nitong sinasabi, “Magalak kayo, kayong mga Gentil, kasama ang kaniyang mga tao.”
11At muli, “Purihin ang Panginoon, lahat kayong mga Gentil at hayaan ninyong ang lahat na mga tao ay purihin siya.”
12Sinasabi rin ni Isaias, “Magkakaroon ng ugat mula kay Jesse, at siya ang lilitaw upang mamuno sa mga Gentil. Magtitiwala ang mga Gentil sa kaniya.”
13Ngayon nawa ang Diyos ng pagtitiwala ay punuin kayo ng buong kagalakan at kapayapaan sa inyong paniniwala, upang kayo ay managana sa pagtitiwala sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
14Ako man sa aking sarili ay naniniwala tungkol sa inyo, aking mga kapatid. Naniniwala din ako na kayo mismo ay puno ng kabutihan, puno ng lahat ng kaalaman. Naniniwala ako na kayo ay may kakayahan ding payuhan ang isa't isa.
15Ngunit mas matapang akong sumusulat sa inyo tungkol sa ilang mga bagay upang paalalahanan kayong muli, dahil sa kaloob na ibinigay sa akin ng Diyos.
16Itong kaloob na dapat akong maging lingkod ni Cristo Jesus na isinugo sa mga Gentil, upang ihandog bilang isang pari ang ebanghelyo ng Diyos. Kailangan kong gawin ito upang ang handog ng mga Gentil ay maging katanggap-tanggap, nakalaan sa Diyos sa pamamangitan ng Banal na Espiritu.
17Kaya ang aking kagalakan ay kay Cristo Jesus at sa mga bagay na mula sa Diyos.
18Sapagkat hindi ako mangangahas na magsalita ng kahit na ano maliban sa mga bagay na ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko para sa pagsunod ng mga Gentil. Ito ay mga bagay ng ginawa sa pamamagitan ng salita at gawa,

19sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga tanda at mga kahanga-hangang gawa, at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ito ay nangyari mula sa Jerusalem, at sa palibot hanggang sa Ilirico, ipinangaral ko nang lubos ang ebanghelyo ni Cristo.
20Sa ganitong paraan, ang aking hangarin ay ang maipahayag ang ebanghelyo, ngunit hindi kung saan kilala ang pangalan ni Cristo, upang hindi ako makapagtayo sa pundasyon ng ibang tao.
21Katulad ng nasusulat: “Makikita siya ng mga hindi dinatnan ng balita tungkol sa kaniya, at maiintindihan ng mga hindi nakarinig.”
22Kaya maraming beses din akong hinadlangan na tumungo sa inyo.
23Ngunit ngayon, wala na akong iba pang lugar sa mga lupaing ito, at inaasam ko ng maraming taon na makapunta ako sa inyo.
24Kaya sa tuwing pumupunta ako sa Espanya, umaasa akong makita kayo sa aking pagdaan, at inasahan ko din na kayo ang tutulong sa aking pag-alis pagkatapos akong magsaya kasama kayo kahit panandalian lang.
25Ngunit ngayon ay pupunta ako sa Jerusalem upang maglingkod sa mga mananampalataya.
26Sapagkat ito ay kasiyahan ng mga taga-Macedonia at ng mga taga-Acaya na magambag-ambag para sa mga mahihirap na mananampalataya na nasa Jerusalem.
27Oo, ito ay kanilang kasiyahan, at sa katunayan, sila ang mga may utang sa kanila. Sapagkat kung ang mga Gentil ay nakibahagi sa kanilang mga espirituwal na bagay, dapat lang silang maglingkod sa kanila sa mga materyal na bagay.
28Kaya, kapag natapos kong gawin ito at mapatunayan ang bungang ito sa kanila, dadaan ako diyan sa inyo pagpunta ko sa Espanya.
29Alam ko, na kapag pumunta ako sa inyo, pupunta ako ng may buong pagpapala ni Cristo.
30Ngayon hinihikayat ko kayo, mga kapatid, sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng pag-ibig ng Banal na Espirito, na magsumikap kayo kasama ko sa inyong mga panalangin sa Diyos patungkol sa akin.
31Ipanalangin ninyo na ako ay maligtas sa mga hindi sumusunod na nasa Judea at ang aking paglilingkod sa Jerusalem ay maging katanggap-tanggap sa mga mananampalataya.
32Ipanalangin ninyo na ako ay makapunta sa inyo ng may galak sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, at ako nawa ay makasumpong ng kapahingahan ka kasama ninyo.
33Nawa ay sumainyong lahat ang Diyos ng kapayapaan. Amen.