Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Daniel - Daniel 2

Daniel 2:14-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
14Pagkatapos, sumagot si Daniel ng may hinahon at mabuting pagpapasiya kay Arioc na pinuno ng mga tagabantay ng hari, na dumating upang patayin ang lahat ng mga nasa Babilonia na kinikilala sa kanilang karunungan.
15Tinanong ni Daniel ang pinuno ng tagabantay ng hari, “Bakit pabigla-bigla ang kautusan ng hari?” Kaya sinabi ni Arioc kay Daniel ang nangyari.
16Pagkatapos, pumasok si Daniel at humiling ng kasunduan sa hari upang maiharap niya ang pagpapaliwanag sa hari.
17Pagkatapos, pumunta si Daniel sa kaniyang tahanan at ipinaliwanag niya kay Hananias, Misael, at Azarias kung ano ang nangyari.
18Hinimok niya sila na hanapin ang habag mula sa Diyos ng langit tungkol sa hiwagang ito upang siya at sila ay hindi maaaring patayin kasama ang mga natirang kalalakihan sa Babilonia na kilala sa kanilang karunungan.
19Nang gabing iyon, naihayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain. At pinuri ni Daniel ang Diyos ng kalangitan
20at sinabi, “Purihin ang pangalan ng Diyos ng walang hanggan at magpakailanman; sapagkat ang karunungan at kapangyarihan ay sa kaniya.
21Binabago niya ang mga panahon at mga kapanahunan; tinatanggal niya ang mga hari at inilalagay ang mga hari sa kanilang mga trono. Nagbibigay siya ng karunungan sa matalino at kaalaman sa mga mayroong pag-unawa.
22Inihahayag niya ang malalim at nakatagong mga bagay dahil alam niya ang mga nasa kadiliman at ang liwanag ay nananahan sa kaniya.
23Diyos ng aking mga ninuno, pinasasalamatan at pinupuri ko kayo para sa karunungan at kapangyarihan na ibinigay ninyo sa akin. Ngayon, ipinaalam mo sa akin kung ano ang aming ipinapanalangin sa iyo; ipinaalam mo sa amin ang bagay na nagpapaalala sa hari.”

Read Daniel 2Daniel 2
Compare Daniel 2:14-23Daniel 2:14-23