Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 1

Lucas 1:40-54

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
40Siya ay pumunta sa bahay ni Zacarias at binati si Elisabet.
41At nangyari nga nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, lumukso ang bata sa kaniyang sinapupunan at si Elisabet ay napuspos ng Banal na Espiritu.
42Ang kaniyang tinig ay tumaas at nagsabi nang malakas, “Pinagpala ka sa lahat ng mga babae at Pinagpala din ang bunga ng iyong sinapupunan.
43At bakit ito nangyari sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay kailangan pang pumunta sa akin?
44Sapagkat tingnan mo, nang marinig ko ang iyong pagbati ay tumalon sa galak ang bata sa aking sinapupunan.
45At pinagpala ang siyang nanampalataya na mayroong katuparan ang mga bagay na ipinahayag sa kaniya mula sa Panginoon.”
46Sinabi ni Maria, “Ang kaluluwa ko ay nagpupuri sa Panginoon,
47at ang aking espiritu ay nagalak sa Diyos na aking tagapagligtas.”
48Sapagkat siya ay tumingin sa kababaan ng kaniyang lingkod na babae. Kaya tingnan mo, mula ngayon ang lahat ng salinlahi ay tatawagin akong pinagpala.
49Sapagkat siya na makapangyarihan ay gumawa ng mga kahanga-hangang bagay para sa akin, at ang kaniyang pangalan ay banal.
50Ang kaniyang habag ay walang katapusan mula sa lahat ng salinlahi para sa mga nagpaparangal sa kaniya.
51Nagpakita siya ng lakas ng kaniyang mga bisig; ikinalat niya ang mga nagmamataas ng nilalaman ng kanilang mga puso.
52Pinabagsak niya ang mga prinsipe mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga may mababang kalagayan.
53Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, ngunit ang mga mayayaman ay pinaalis niyang gutom.
54Nagkaloob siya ng tulong sa Israel na kaniyang lingkod, na gaya ng pag-alaala niya sa kaniyang pagpapakita ng habag

Read Lucas 1Lucas 1
Compare Lucas 1:40-54Lucas 1:40-54