Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Samuel

1 Samuel 31

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ngayon nakipaglaban ang mga Filisteo laban sa Israel. Nagsitakas ang mga kalalakihan ng Israel mula sa harap ng mga Filisteo at patay na bumagsak sa bundok Gilboa.
2Tinugis ng malapitan ng mga Filisteo si Saul at ang kanyang anak na mga lalaki. Napatay ng mga Filisteo si Jonatan, Abinadab, at Malquisua, at ang kanyang mga anak na lalaki.
3Nagpatuloy ang matinding labanan laban kay Saul, at nasukol siya ng mga mamamana. Siya ay nakaranas ng malubhang sugat dahil sa kanila.
4Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang tagadala ng baluti, “Hugutin mo ang iyong espada at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating itong hindi mga tuli at lalapastanganin ako.” Ngunit ayaw gawin ng kanyang tagadala ng baluti, dahil takot na takot siya. Kaya kinuha ni Saul ang kanyang sariling espada at pinatay nito ang kanyang sarili.
5Nang nakita ng tagadala ng baluti na patay na si Saul, gayon din pinatay niya ang kanyang sarili ng kanyang sariling espada at namatay nagmagkasama.
6Kaya namatay si Saul, ang kanyang tatlong anak na lalaki, at kanyang tagadala ng baluti— sama-samang namatay ang mga kalalakihang ito nang araw na iyon.
7Habang nasa kabilang bahagi ng lambak ang mga kalalakihan ng Israel, at sa mga nasa ibayo ng Jordan, nakita nila na nagsitakas ang mga kalalakihan ng Israel, at nang si Saul at ang kanyang mga anak na lalaki ay patay na, iniwan nila ang kanilang mga lungsod at nagsitakas, at dumating ang mga Filisteo at nanirahan sa lugar nila.
8Dumating ang sumunod na araw, nang dumating ang mga Filisteo upang tanggalin ang mga patay, na nakita nila si Saul at ang kanyang tatlong anak na lalaki na patay na sa Bundok Gilboa.
9Pinutol nila ang kanyang ulo at tinanggal ang kanyang mga pananggang baluti, at nagpadala ng mga mensahero sa lupain ng mga Filisteo sa lahat ng dako upang dalhin ang balita sa kanilang diyus-diyosan sa templo at sa mga tao.
10Inilagay nila ang kanyang baluti sa loob ng templo ni Astare, at ang kanilang itinali ang kanyang katawan sa pader ng lungsod sa Bethsan.
11Nang nabalitaan ng mga nakatira sa Jabes Galaad kung ano ang ginawa ng mga Filisteo kay Saul,
12tumayo ang lahat ng mandirigmang mga kalalakihan at lumakad ng magdamag at kinuha ang katawan ni Saul at ang mga katawan ng kanyang mga anak na lalaki mula sa pader ng Bethsan. Pumunta sila sa Jabesh at doon nila sinunog ang mga ito.
13Pagkatapos kinuha nila ang kanilang mga buto at inilibing ang mga ito sa ilalim ng isang puno ng tamarisko sa Jabes, at nag-ayuno sa loob ng pitong araw.