1Aking anak na lalaki, sundin ang aking mga salita at ipunin ang aking mga utos sa iyong kalooban.
2Sundin ang aking mga utos upang mabuhay at sundin ang aking tagubilin tulad ng mansanas sa iyong paningin.
3Itali ang mga ito sa iyong mga daliri; isulat ang mga ito sa talaan ng iyong puso.
4Sabihin sa karunungan, “Ikaw ang aking kapatid na babae,” at tawagin ang kaunawaan na inyong kamag-anak,
5upang ikaw ay ilayo mula sa mapanuksong babae, mula sa babaeng mapangalunya kasama ng kaniyang mapang-akit na mga salita.
6Sa bintana ng aking bahay ay tumitingin ako sa pamamagitan ng dungawan
7at aking nakita ang karamihan ng batang lalaki na hindi pa natuturuan. Nakita ko sa karamihan ng kabataan ang isang batang lalaking na wala sa kaisipan.
8Ang batang lalaking iyon ay naglalakad sa kalye malapit sa sulok ng kaniyang kalye at siya ay tumuloy patungo sa kaniyang bahay—
9iyon ay takip-silim, sa gabi ng araw na iyon, sa oras ng gabi at kadiliman.
10At doon kinatagpo siya ng isang babae, nakadamit tulad ng isang bayarang babae at alam niya kung bakit siya naroon.
11Siya ay maingay at magulo, ang kaniyang mga paa ay hindi mapanatili sa tahanan—
12ngayon nasa mga kalye, ngayon nasa pamilihan, at bawat sulok siya ay nag-aabang.
13Kaya siya ay hinawakan niya at pinaghahalikan, na may katapangang mukha, sinabi niya sa kaniya,
14natupad ko ang handog ng kapayapaan ngayon, naibigay ko ang aking mga panata,
15kaya lumabas ako para makita ka, kinasasabikan ko na makita ang iyong mukha, at ikaw ay aking natagpuan.
16Inilatag ko ang mga panakip sa aking higaan, mga linong makukulay mula sa Egipto.
17Pinabanguhan ko ang aking higaan ng mira, mga aloe, at kanela.
18Halina't, hayaang umapaw ang ating pagmamahalan hanggang umaga; hayaan nating makakuha tayo ng labis na ligaya sa iba't ibang gawi ng pagtatalik.
19Ang aking asawa ay wala sa bahay; siya ay nasa malayo sa isang matagal na paglalakbay.
20May dala siyang isang supot ng pera sa kaniya; siya ay babalik sa araw ng kabilugan ng buwan.”
21Sa kaniyang mapang-akit na salita ay hinihikayat siya, at sa kaniyang mahusay na pagsasalita siya ay mapipilit niya.
22Sumunod siya sa kaniya na tulad ng isang bakang lalaki na papunta sa katayan, o tulad ng isang usa na nahuli sa isang patibong
23hanggang ang isang palaso ay tumatagos sa kaniyang atay— o katulad ng ibong sumusugod sa isang patibong, hindi alam na ito ang magiging kabayaran ng kaniyang buhay.
24At ngayon, ang aking mga anak na lalaki, makinig sa akin; bigyang pansin kung ano ang aking sinasabi.
25Huwag ninyong hayaan ang inyong puso na lumihis sa kaniyang mga kaparaanan; huwag maligaw sa kaniyang mga landas.
26Maraming biktima ang nadala niya pababa; hindi sila mabilang.
27Ang kaniyang bahay ay daan patungo sa sheol; ito ay patungo pababa sa mga silid ng kamatayan.