Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 1

JUAN 1:10-47

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
10Siya ay nasa mundo, at ang mundo ay nalikha sa pamamagitan niya, at ang mundo ay hindi nakakakilala sa kaniya.
11Dumating siya sa kaniyang sariling kababayan, at hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga kababayan.
12Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos,
13ipinanganak sila hindi sa pamamagitan nang dugo, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng laman, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng tao, kundi sa pamamagitan ng Diyos.
14Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.
15Pinatotohanan ni Juan ang tungkol sa kaniya at sumigaw na nagsasabi, “Siyang sinabi ko sa inyo, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'”
16Sapagkat mula sa kaniyang kapuspusan tayong lahat ay nakatanggap ng sunod-sunod na libreng kaloob.
17Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
18Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang katauhan, na mismo ay Diyos, na siyang nasa dibdib ng Ama, nagawa niya siyang maipakilala.
19Ngayon ito ang patotoo ni Juan nang ang mga Judio ay nagpadala sa kaniya ng mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem para tanungin siyang, “Sino ka?”
20Malaya niyang inilahad, at hindi ikinaila, ngunit tumugon, “Hindi ako ang Cristo.”
21Kaya siya ay tinanong nila, “Ano ka kung gayon? Ikaw ba si Elias?” Sabi niya, “Hindi ako.” Sabi nila, “Ikaw ba ang propeta?” Sumagot siya, “Hindi.”
22Pagkatapos ay sinabi nila sa kaniya, “Sino ka, upang may maibigay kaming sagot sa mga nagsugo sa amin? Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?”
23Sinabi niya, “Ako ang boses ng isang sumisigaw sa ilang: 'Gawin ninyong tuwid ang daraanan ng Panginoon,' gaya nang sinabi ni Isaias na propeta.”
24Ngayong mayroong mga isinugo duon mula sa mga Pariseo. Tinanong nila siya at sinabi sa kaniya,
25“Kung ganoon bakit ka nagbabautismo kung hindi ikaw ang Cristo, ni hindi si Elias, ni hindi ang propeta?”
26Tumugon si Juan sa kanila sinasabi, “Nagbabautismo ako ng tubig. Subalit, sa kalagitnaan ninyo ay nakatayo ang isang hindi ninyo nakikilala.
27Siya ang darating kasunod ko. Hindi ako karapat-dapat na magtanggal ng tali ng kaniyang sandalyas.”
28Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Bethania sa kabilang ibayo nang Jordan, kung saan si Juan ay nagbabautismo.
29Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, “Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo!
30Siya ang sinabi ko sa inyo na, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'
31Hindi ko siya nakilala, ngunit ito ay nangyari upang maihayag siya sa Israel na siyang dahilan na ako ay nagbabautismo ng tubig.”
32Nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa langit tulad ng isang kalapati, at ito ay nanatili sa kaniya.
33Hindi ko siya nakilala, ngunit ang sabi sa akin ng nagsugo sa akin na magbautismo sa tubig, 'Kung kanino mo makikita ang Espiritu na bumababa at nananatili, siya ang magbabautismo ng Banal na Espiritu.'
34Pareho kong nakita at napatotohanan na ito ang Anak ng Diyos.
35Muli, sa sumunod na araw, habang si Juan ay nakatayong kasama ang dalawang alagad
36nakita nila si Jesus na naglalakad sa malapit, at sinabi ni Juan, “Tingnan ninyo, ayun ang Kordero ng Diyos!”
37Narinig ng dalawang alagad na sinabi ni Juan ito, at sila ay sumunod kay Jesus.
38At si Jesus ay lumingon at nakita silang sumusunod at sinabi sa kanila, “Anung nais ninyo?” Sumagot sila, “Rabi (na ang ibig sabihin ay 'Guro'), saan ka nakatira?”
39Sinabi niya sa kanila, “Halikayo at tingnan.” At sila ay pumaroon at nakita kung saan siya nakatira; sila ay tumira kasama niya sa araw na iyon sapagkat noon ay halos mag-aalas kuwatro na.
40Isa sa dalawang nakarinig na nagsalita si Juan at pagkatapos sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro.
41Una niyang nakita ang kaniyang sariling kapatid na si Simon at sinabi sa kaniya, “Nakita na namin ang Mesias,” (na sinalin na, 'ang Cristo').
42Dinala niya siya kay Jesus. Si Jesus ay tumingin sa kaniya at sinabi, “Ikaw si Simon anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cepas” (na ang ibig sabihin ay 'Pedro').
43Kinabukasan, nang si Jesus ay nais na umalis para pumunta sa Galilea, nakita niya si Felipe at sinabi sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.”
44Ngayon si Felipe ay galing sa Bethsaida, ang lungsod nila Andres at Pedro.
45Natagpuan ni Felipe si Nathanael at sinabi sa kaniya, “Ang siyang naisulat sa kaustusan ni Moises at ng mga propeta - ay nakita namin, si Jesus na taga-Nazaret na anak ni Jose.”
46Sinabi ni Nathanael, “Maaari bang may magandang bagay na magmula sa Nazaret?” Sinabi ni Felipe sa kaniya, “Halika at tingnan mo.”
47Nakita ni Jesus na palapit si Nataniel sa kaniya at sinabi ang tungkol sa kaniya, “Tingnan ninyo, isa ngang tunay na Israelita, na walang panlilinlang.”

Read JUAN 1JUAN 1
Compare JUAN 1:10-47JUAN 1:10-47