Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Isaias - Isaias 43

Isaias 43:5-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Huwag kang matakot, dahil ako ay kasama mo; aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silangan, at titipunin kayo mula sa kanluran;
6Aking sasabihin sa hilaga, 'ibalik sila;' at sa timog, 'huwag silang pigilan' Dalhin ang aking mga anak na lalaki mula sa malayo, at aking mga anak na babae mula sa malayong mga lugar ng mundo,
7ang lahat ng tumatawag sa aking pangalan, na aking nilikha para sa aking kaluwalhatian, na aking hinubog, oo, na aking ginawa.
8Ilabas ang mga bulag na may mga mata, at ang bingi, kahit siya ay may mga tainga.
9Ang lahat ng bansa ay sama-samang magtitipon, at magpupulong ang mga bayan. Sino sa kanilang ang maaaring makapagsasabi nito at makapagpapahayag ng mga unang kaganapan? Hayaan silang dalhin ang kanilang saksi para patuyan na sila ay tama, hayaan silang makinig at pagtibayin, 'ito ay katotohanan,'
10Kayo ang aking mga saksi, “ipinapahayag ni Yahweh, “at aking lingkod na aking pinili, para malaman ninyo at maniwala kayo sa akin, at inyong mauunawaan na Ako ay siya nga. Walang nilikhang ibang diyos sa aking harapan, at walang makasusunod sa akin.
11Ako, Ako ay si Yahweh, at wala nang ibang tagapagligtas maliban sa akin.

Read Isaias 43Isaias 43
Compare Isaias 43:5-11Isaias 43:5-11