Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 4

Lucas 4:29-43

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
29Tumayo sila at ipinagtabuyan siya paalis ng lungsod, at dinala siya sa gilid ng burol kung saan itinayo ang kanilang lungsod, upang siya ay maari nilang ihulog sa bangin.
30Ngunit siya ay lumakad palusot sa kanilang kalagitnaan at siya ay umalis.
31At siya ay bumaba patungong Capernaum, isang lungsod ng Galilea. Sa isang Araw ng Pamamahinga siya ay nagturo sa mga tao sa sinagoga.
32Sila ay namangha sa kaniyang itinuturo, dahil nagsalita siya nang may kapangyarihan.
33Ngayon, sa sinagoga sa araw na iyon may isang tao na may espiritu ng maruming demonyo, at siya ay sumigaw nang may malakas na tinig,
34“Ano ang nais mong gawin sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Ikaw ba ay pumarito para kami ay puksain? Alam ko kung sino ka! Ikaw ang Banal ng Diyos!”
35Sinaway ni Jesus ang demonyo, na nagsasabi, “Manahimik ka at lumabas ka sa kaniya!” Nang naihagis ng demonyo ang lalaki sa kalagitnaan nila, siya ay lumabas mula sa kaniya na walang nangyaring masama sa lalaki.
36Lahat ng tao ay lubhang namangha, at sila ay patuloy na nag-uusap sa isa't isa sa nangyari. Sinabi nila, “Anong uri ang mga salitang ito? Inutusan niya ang mga maruruming espiritu na may kakayahan at kapangyarihan at sila ay lumabas.”
37Kaya nagsimulang kumalat ang balita tungkol sa kaniya sa bawat bahagi ng nakapaligid na rehiyon.
38Pagkatapos, umalis si Jesus sa sinagoga at pumunta sa bahay ni Simon. Ngayon, ang biyenan ni Simon ay nahihirapan dahil sa mataas na lagnat, at sila ay nakiusap para sa kaniya.
39Kaya tumayo siya malapit sa kaniya at sinaway ang kaniyang lagnat, at umalis ito. Agad siyang tumayo at nagsimulang maglingkod sa kanila.
40Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang bawat may sakit at may iba't ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa bawat isa sa kanila at sila ay gumaling.
41May mga demonyo din na lumabas mula sa kanila, sumusigaw at nagsasabi, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Sinaway ni Jesus ang mga demonyo at hindi niya sila pinayagang magsalita, dahil alam nila na siya ang Cristo.
42Nang dumating ang dapit-umaga, pumunta siya sa isang tahimik na lugar. Maraming mga tao ang naghahanap sa kaniya at pumunta kung saang lugar siya naroon. Sinubukan nila na pigilan siya sa pag-alis sa kanila.
43Ngunit sinabi niya sa kanila, “Dapat ko ring ipangaral ang magandang balita tungkol sa kaharian ng Diyos sa marami pang lungsod, dahil ito ang dahilan kung bakit ako ipinadala dito.”

Read Lucas 4Lucas 4
Compare Lucas 4:29-43Lucas 4:29-43