Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 2 Mga Hari - 2 Mga Hari 10

2 Mga Hari 10:7-27

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7Kaya nang dumating ang liham sa kanila, kinuha nila ang mga anak na lalaki ng hari at pinatay sila, pitumpung katao, inilagay ang kanilang mga ulo sa mga basket, at ipinadala nila kay Jehu sa Jezreel.
8Isang mensahero ang dumating kay Jehu, sinasabing, “Dinala nila ang mga ulo ng mga anak na lalaki ng hari.” Kaya sinabi niya, “Ilagay ang mga ito ng dalawang tumpok sa pasukan ng tarangkahan hanggang sa umaga.”
9Nang umaga lumabas at tumayo si Jehu, at sinabi sa lahat ng tao, “Kayo ay walang malay. Tingnan ninyo, nagbanta ako laban sa aking panginoon at pinatay siya, pero sinong pumatay sa lahat ng mga ito?
10Ngayon dapat tiyak ninyong malaman na wala sa bahagi ng salita ni Yahweh, ang salita na sinabi niya tungkol sa pamilya ni Ahab, ay babagsak sa lupa, dahil ginawa ni Yahweh ang kaniyang sinabi sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias.”
11Kaya pinatay ni Jehu ang lahat ng natitira sa pamilya ni Ahab sa Jezreel, at lahat ng kaniyang mahahalagang tauhan, kaniyang malapit na mga kaibigan, at kaniyang mga pari, hanggang wala nang matira sa kanila.
12Pagkatapos tumindig at umalis si Jehu; nagpunta siya sa Samaria. Habang siya ay parating sa Beth Eked ng pastulan,
13nakasalubong niya ang mga kapatid na lalaki ni Ahazias hari ng Juda. Sinabi ni Jehu sa kanila, “Sino kayo?” Sumagot sila, “Kami ang mga kapatid na lalaki ni Ahazias, at bababa kami para batiin ang mga anak ng hari at mga anak ni Reyna Jezabel.”
14Sinabi ni Jehu sa sarili niyang mga tauhan, “Hulihin silang buhay.” Kaya hinuli nila silang buhay at pinatay sila sa balon ni Beth Eked, lahat ng apatnapu't dalawang kalalakihan. Hindi siya nagtira ng sinumang buhay sa kanila.
15Nang umalis doon si Jehu, nakasalubong niya si Jonadab anak na lalaki ni Rechab na dumarating para makipagkita sa kaniya. Binati siya ni Jehu at sinabi sa kaniya, “Buong puso ka bang makikiisa sa akin, gaya ng pagiging matapat ko sa iyo? Sumagot si Jonadab, “Oo” Sabi ni Jehu, kung ganoon nga, iabot mo sa akin ang iyong kamay”. At iniabot ni Jonadab ang kaniyang kamay, kaya pinasakay siya ni Jehu sa kaniyang karwahe.
16Sinabi ni Jehu, sumama ka sa akin at tingnan mo ang aking kasigasigan para kay Yahweh.” Kaya sumakay si Jonadab sa kaniyang karwahe.
17Nang dumating siya sa Samaria, pinatay ni Jehu ang lahat ng natitira mula sa mga kaapu-apuhan ni Ahab sa Samaria, hanggang mawasak niya ang maharlikang angkan ni Ahab, gaya lamang ng sinabi sa kanila dati sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, na sinabi niya kay Elias.
18Pagkatapos sama-samang tinipon ni Jehu ang lahat ng tao at sinabi sa kanila, “naglingkod si Ahab kay Baal ng sandali, pero naglilingkod si Jehu sa kaniya nang higit pa.
19Kaya ngayon ipadala sa akin ang lahat na propeta ni Baal, at lahat ng mga sumasamba sa kaniya, at lahat ng kaniyang mga pari. Huwag ninyong hayaang may maiwan, dahil mayroong akong isang dakilang handog para ialay kay Baal. Sinumang hindi dumating ay hindi mabubuhay.” Pero ginawa ito ni Jehu nang may pandaraya, nang may layunin para patayin ang mga sumasamba kay Baal.
20Sinabi ni Jehu, “Italaga ang isang mataimtim na kapulungan para kay Baal, at magbukod ng isang araw para dito.” Kaya ipinahayag nila ito.
21Pagkatapos nagpadala si Jehu sa buong Israel at dumating ang lahat ng mga sumasamba kay Baal, kaya walang isang lalaki ang naiwan doon na hindi dumating. Nagpunta sila sa templo ni Baal, at napuno nito ang dulo hanggang kabila.
22Sinabi ni Jehu sa mga lalaki na nag-iingat sa lalagyan ng damit ng mga pari, “Ilabas ang mga damit para sa lahat ng sumasamba kay Baal.” Kaya inilabas ng mga lalaki ang mga damit sa kanila.
23Kaya nagpunta si Jehu kasama si Jonadab anak na lalaki ni Rechab sa bahay ni Baal, at sinabi niya sa mga sumasamba kay Baal, “Hanapin at siguraduhin na wala isa man dito na kasama ninyo mula sa mga lingkod ni Yahweh, pero ang mga sumasamba lamang kay Baal.”
24Pagkatapos nagpunta sila sa loob para maghandog ng mga alay at magsunog ng mga handog. Ngayon pumili si Jehu ng walumpung kalalakihan na nakatayo sa labas, at sinabi sa kanila, “Kung tumakas ang sinuman sa mga kalakihan na dinala ko sa inyo, sinuman ang nagpatakas sa lalaking iyon ay papatayin bilang kapalit ng buhay ng tumakas”
25Sa sandaling natapos ni Jehu ang sinunog na handog, sinabi niya sa bantay at sa mga kapitan, “Pumasok at patayin sila. Huwag hayaang lumabas ang isa man.” Kaya pinatay nila sila gamit ang talim ng espada, at itinapon sila ng bantay at ng mga kapitan at nagpunta sa loob ng silid ng bahay ni Baal.
26At kinaladkad nila ang banal na mga posteng bato na nasa loob ng bahay ni Baal, at sinunog nila ito.
27Sinira nila ang poste, at winasak ang bahay ni Baal at ginawa itong isang palikuran, hanggang sa araw na ito.

Read 2 Mga Hari 102 Mga Hari 10
Compare 2 Mga Hari 10:7-272 Mga Hari 10:7-27