Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 7

Mga Gawa 7:32-59

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
32'Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob.' Nanginig si Moises at hindi naglakas loob na tumingin.
33Sinabi ng Panginoon sa kaniya, 'Alisin mo ang iyong sandalyas, sapagkat ang lugar na iyong kinatatayuan ay banal na dako.
34Nakita kong tiyak ang pagdurusa ng aking mga tao na nasa Egipto; Aking narinig ang kanilang pagdaing, at bumaba ako upang sila ay iligtas, at ngayon halika, isusugo kita sa Egipto.'
35Itong Moises na kanilang tinanggihan, nang kanilang sinabi, 'Sino ang naglagay sa iyo na tagapamuno at tagahatol?'—siya ang sinugo sa atin ng Diyos upang maging tagapamuno at tagapagligtas. Sinugo siya ng Diyos sa pamamagitan ng kamay ng anghel na nagpakita kay Moises sa mababang puno.
36Ginabayan sila ni Moises palabas ng Egipto, pagkatapos gumawa ng mga himala at tanda sa Egipto at sa dagat na pula at sa ilang sa loob ng apatnapung taon.
37Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga tao ng Israel, 'Maghihirang ang Diyos ng isang propeta para sa inyo mula sa inyong mga kapatid, isang propeta na katulad ko.'
38Ito ang lalaki na nasa kapulungan sa ilang kasama ang anghel na nangusap sa kaniya sa Bundok Sinai. Ito ang lalaking nakasama ng ating mga ninuno; ito ang lalaki na siyang tumanggap ng mga buhay na salita upang ibigay sa atin.
39Ito ang lalaking tinanggihang sundin ng ating mga ninuno; siya ay itinulak nila palayo mula sa kanilang sarili, at sa kanilang mga puso sila ay bumalik sa Egipto.
40Sa mga panahong iyon sinabi nila kay Aaron, 'Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin. Sapagkat itong Moises na nanguna sa amin palabas ng Egipto ay hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.'
41Kaya nang mga araw na iyon sila ay gumawa ng guya at nagdala sila ng mga handog sa mga diyus-diyosan, at nagalak dahil sa ginawa ng kanilang mga kamay.
42Ngunit ang Diyos ay tumalikod at isinuko sila upang sumamba sa mga bituin sa langit, gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, 'Nag-alay ba kayo sa akin ng patay na hayop at ng mga handog sa ilang sa loob ng apatnapung taon, sambahayan ng Israel?
43Tinanggap ninyo ang tabernakulo ni Molec at ang bituin ng diyos na si Rephan, at ang mga imahe na inyong ginawa upang sila ay sambahin. At dadalhin ko kayo palayo sa Babilonia.'
44Ang ating mga ninuno ay mayroong tabernakulo ng patotoo sa ilang, tulad ng iniutos ng Diyos noong siya ay nagsalita kay Moises, na kailangan niyang gawin ito na kagaya ng anyo na nakita niya.
45Ito ay ang tolda ng ating mga ninuno, nang sila ay tumalikod ay dinala sa lupain kasama ni Josue. Ito ay nangyari nang sila ay pumasok sa mga pag-aari ng mga bansang itinaboy ng Diyos sa harapan ng ating mga ninuno. Ito ay katulad nito hanggang sa mga araw ni David,
46na nakatanggap ng biyaya sa paningin ng Diyos; hiniling niyang makahanap ng lugar na pananahanan para sa Diyos ni Jacob.
47Ngunit nagtayo si Solomon ng bahay ng Diyos,
48Gayunpaman, ang Kataas-taasan ay hindi naninirahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; kagaya ito ng sinasabi ng propeta,
49'Ang langit ang aking trono at ang lupa ang tungtungan para sa aking mga paa. Anong uri ng bahay ang maaari ninyong itayo sa akin? Sabi ng Panginoon: o saan ang lugar para sa aking kapahingahan?
50Hindi ba't ang aking kamay ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito?'
51Kayong mga tao, na mapagmatigas at hindi tuli sa puso at mga tainga, lagi ninyong nilalabanan ang banal na Espiritu; ginawa ninyo ang kagaya ng ginawa ng inyong mga ninuno.
52Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga naunang propeta na nagpahayag sa pagdating ng Matuwid; at kayo rin ngayon ang mga nagkanulo at mga pumatay sa kaniya,
53kayong mga tao na tumanggap ng kautusan na itinatag ng mga anghel, ngunit hindi ninyo ito iningatan.”
54Ngayon, nang marinig ng mga kasapi ng konseho ang mga bagay na ito, nasugatan sila sa kanilang mga puso, at ang kanilang mga ngipin ay nagngalit kay Esteban.
55Ngunit siya na puspos ng Banal na Espiritu ay kusang tumingala sa langit at kaniyang nakita ang kaluwalhatian ng Diyos; at nakita niya si Jesus na nakatayo sa kanang kamay ng Diyos.
56Sinabi ni Esteban, “Tingnan ninyo, nakita ko na binuksan ang kalangitan, at ang Anak ng Tao ay nakatayo sa kanang kamay ng Diyos.”
57Ngunit ang mga kasapi ng konseho ay sumigaw ng may malakas na boses, at tinakpan ang kanilang mga tainga, at sinunggaban siya,
58itinapon siya nila sa labas ng lungsod at siya ay binato: at inilatag ng mga saksi ang kanilang balabal sa paanan ng binatang ang pangalan ay Saulo.
59Habang binabato nila si Esteban, patuloy siyang tumatawag sa Panginoon at sinasabing, ''Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.''

Read Mga Gawa 7Mga Gawa 7
Compare Mga Gawa 7:32-59Mga Gawa 7:32-59