1Nang tumigil na ang kaguluhan, ipinatawag ni Pablo ang mga alagad at pinalakas ang kanilang loob. Pagkatapos nagpaalam siya sa kanila at umalis papuntang Macedonia.
2Nang mapuntah niya ang mga rehiyong iyon at labis na mapalakas ang loob ng mga mananampalataya, pumunta siya sa Grecia.
3Pagkatapos niyang namalagi ng tatlong buwan doon, may nabuong masamang balak ang mga Judio laban sa kaniya nang siya ay maglalayag sa Siria, kaya nagpasiya siya na bumalik sa Macedonia.
4Sinamahan siya hanggang sa Asia nina Sopater na anak ni Pirro mula sa Berea; Aristarco at Segundo, na mga mananampalataya na nagmula sa Tesalonica; ni Gayo na nagmula sa Derbe; Timoteo; Tiquico at Trofimo mula sa Asia.
5Ngunit nauna ang mga kalalakihang ito at hinintay kami sa Troas
6Naglayag kami mula Filipos pagkatapos ng mga araw ng tinapay na walang lebadura, at sa loob ng limang araw ay nakarating kami sa Troas. Nanatili kami doon ng pitong araw.
7Sa unang araw ng linggo, nang kami ay nagtipun-tipon upang pagpira-pirasuhin ang tinapay, nagsalita si Pablo sa mga mananampalataya. Binabalak niyang umalis kinabukasan, kaya patuloy siyang nagsalita hanggang hating gabi.
8May maraming mga ilawan sa itaas ng silid kung saan kami nagtipun-tipon.
9May isang binata na nakaupo sa bintana na nagngangalang Eutico, na nakatulog ng mahimbing. Habang tumatagal ang pangangaral ni Pablo, patuloy parin sa pagtulog ang binatang ito, nahulog mula sa pangatlong palapag at kinuha siyang patay.
10Ngunit bumaba si Pablo, dumapa sa kaniya at yinakap siya. At sinabi niya “Wag kayong mag-alala, dahil siya ay buhay.”
11Pagkatapos umakyat siya sa itaas at pinag-piraso ang tinapay at kumain. Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanila hanggang madaling-araw, siya ay umalis.
12Naibalik nila ang binata ng buhay at naging panatag ang kanilang kalooban.
13Nauna kaming pumunta kay Pablo sa pamamagitan ng barko at naglayag papuntang Ason, kung saan namin binalak isakay si Pablo. Ito ang ninais niyang gawin, dahil binalak niyang maglakbay sa lupa.
14Nang nakasalubong namin siya sa Ason, isinama namin siya sa barko at nagpunta sa Mitilene.
15At naglayag kami mula doon at nakarating kinabukasan sa kabilang pulo ng Quio. Sa sumunod na araw nakarating kami sa pulo ng Samos, at pagkalipas ng isang araw, nakarating kami sa lungsod ng Mileto.
16Sapagka't ipinasya ni Pablo na lumampas ng Efeso, upang hindi siya maglaan ng ilang araw sa Asia; sapagkat nagmamamadali siyang makarating sa Jerusalem para sa araw ng Pentecostes, kung ang lahat na ito'y makaya niyang gawin.
17Mula Mileto, nagpadala siya ng mga kalalakihan sa Efeso at pinatawag niya mismo ang mga nakatatanda ng iglesia.
18Nang dumating sila sa kaniya, sinabi niya sa kanila, “Kayo mismo ang nakakaalam, na mula pa noong unang araw na tumungtong ako sa Asia, palagi akong naglalaan ng oras kasama kayo.
19Patuloy akong naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip at may luha, at sa mga pagdurusang naranasan ko dahil sa mga masamang balak ng mga Judio.
20Alam ninyo na hindi ko ipinagkait na ituro sa inyo ang mga bagay na nakatutulong, at kung paano ko kayo tinuruan sa publiko at pumunta din ako sa mga bahay-bahay.
21Alam ninyo na lagi kong binabalaan ang mga Judio at mga Griego tungkol sa pagsisisi sa Diyos at pananalig sa ating Panginoong Jesus.
22Ngayon, tingnan ninyo, pupunta ako na natatali sa Banal na Espiritu patungong Jerusalem, na hindi nalalaman kung ano ang mangyayari sa akin doon,
23maliban sa pagpapatotoo sa akin ng Banal na Espiritu sa bawat lungsod at magsabing naghihintay sa akin ang mga kadena at pagdurusa.
24Ngunit hindi ko itinuturing na mahalaga ang aking buhay para sa aking sarili, upang matapos ko ang aking pagtakbo at ang ministeryong tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus, na magpatotoo sa ebanghelyo ng biyaya ng Diyos.
25Ngayon, tingnan ninyo, nalalaman ko na kayong lahat, na pinuntahan ko at ipinangaral ang patungkol sa kaharian, hindi na ninyo makikita pang muli ang aking mukha.
26Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako'y walang sala sa dugo ng sinumang tao.
27Dahil hindi ko ipinagkait sa inyo ang pagpapahayag ng lahat ng kalooban ng Diyos.
28Kaya mag-ingat kayo sa inyong mga sarili, at tungkol sa mga kawan na pinamahala ng Banal na Espiritu sa inyo. Pag-ingatan ninyo ang kawan sa kapulungan ng Panginoon, na tinubos ng kaniyang sariling dugo.
29Alam ko na pagkatapos ng aking pag-alis, papasukin kayo ng mabagsik na mga lobo, at walang ititira sa kawan.
30Alam ko na kahit sa inyong mga sarili, may ilang mga tao na lilitaw at magsasabi ng masasamang mga bagay, upang ilayo ang mga alagad sa kanila.
31Kaya maging mapagbantay. Alalahanin ninyo na sa loob ng tatlong taon, hindi ako tumigil sa pagtuturo sa inyo na may kasamang luha sa araw at gabi.
32At ngayon ipinagkatiwala ko kayo sa Diyos, at sa salita ng kaniyang biyaya, na makapagpapatibay at magbigay sa inyo ng mana kasama sa lahat ng mga taong nakalaan sa Diyos.
33Hindi ko pinagnasahan ang pilak, ginto o damit ng ibang tao.
34Alam ninyo na itong mga kamay na ito ang naglingkod para sa aking sariling pangangailangan at maging sa pangangalingan ng aking mga kasama.
35Sa lahat ng bagay nagbigay ako ng halimbawa kung paano ninyo dapat tulungan ang mga mahihina sa pamamagitan ng pagtratrabaho at kung paano ninyo dapat maalala ang salita ng Panginoong Jesus, mga salita na siya mismo ang nagsabi: “Mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.”
36Pagkatapos niyang magsalita sa ganitong paraan, lumuhod siya at nanalangin kasama nilang lahat.
37Umiyak silang lahat ng labis at yumakap kay Pablo at hinalikan siya.
38Higit sa lahat nalulungkot sila dahil sa kaniyang sinabi, na hindi na nila makikita pa kailan man ang kaniyang mukha. At hinatid nila siya sa barko.