Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 19

Lucas 19:4-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Kaya tumakbo siya sa unahan ng mga tao at umakyat sa isang puno ng sikamoro upang makita siya, dahil daraan si Jesus sa daang iyon.
5Nang makarating si Jesus sa dakong iyon, tumingala siya at sinabi sa kaniya, “Zaqueo, bumaba ka agad, sapagkat sa araw na ito, kinakailangan kong manatili sa iyong tahanan.”
6Kaya nagmadali siya, bumaba at tinanggap siya nang may galak.
7Nang makita ito ng lahat, dumaing silang lahat, sinasabi, “Pumunta siya upang bisitahin ang isang taong makasalanan.”
8Tumayo si Zaqueo at sinabi niya sa Panginoon, “Tingnan mo, Panginoon, ibabahagi ko sa mga mahihirap ang kalahati ng aking mga ari-arian, at kung ako ay may nadayang sinuman sa anuman, ibabalik ang halaga ng maka-apat na beses.”
9Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sa araw na ito, dumating ang kaligtasan sa bahay na ito, dahil anak din siya ni Abraham.
10Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang mga taong nawawala.”
11Habang pinakikinggan nila ang mga bagay na ito, nagpatuloy siyang magsalita at nagsabi ng isang talinghaga, dahil malapit siya sa Jerusalem, at inakala nila na ang kaharian ng Diyos ay magsisimula na kaagad.
12Kaya sinabi niya, “May isang maharlikang pumunta sa malayong bansa upang tanggapin ang isang kaharian para sa kaniya at pagkatapos ay babalik.

Read Lucas 19Lucas 19
Compare Lucas 19:4-12Lucas 19:4-12