1Sa araw na natapos ni Moises ang tabernakulo, binuhusan niya ito ng langis at itinalaga ito kay Yahweh, kasama ang lahat kagamitan. Ganoon din ang ginawa niya sa altar at lahat ng kagamitan nito. Binuhusan niya ng langis ang mga ito at itinalaga kay Yahweh.
2Sa araw na iyon, nag-alay ng mga handog ang mga pinuno ng Israel, ang mga pangulo ng mga pamilya ng kanilang ninuno. Ang mga taong ito ang nangunguna sa mga tribu. Pinamahalaan nila ang pagbibilang ng mga kalalakihan sa sensus.
3Dinala nila ang kanilang mga handog sa harapan ni Yahweh. Nagdala sila ng anim na karitong may takip at labindalawang lalaking baka. Nagdala sila ng isang kariton para sa bawat dalawang pinuno, at nagdala ang bawat pinuno ng isang lalaking baka. Idinulog nila ang mga bagay na ito sa harapan ng tabernakulo.
4Pagkatapos, kinausap ni Yahweh si Moises. Sinabi niya,
5“Tanggapin mo ang mga handog mula sa kanila at gamitin ang mga handog para sa gawain sa tolda ng pagpupulong. Ibigay mo ang mga handog sa mga Levita, sa bawat isa ayon sa kailangan ng kaniyang gawain.”
6Kinuha ni Moises ang mga kariton at ang mga lalaking baka, at ibinigay niya ang mga ito sa mga Levita.
7Ibinigay niya ang dalawang kariton at apat na lalaking baka sa mga kaapu-apuhan ni Gerson, dahil sa kailangan ng kanilang gawain.
8Ibinigay niya ang apat na kariton at walong lalaking baka sa mga kaapu-apuhan ni Merari, sa pangangalaga ni Itamar na anak na lalaki ni Aaron na pari. Ginawa niya ito dahil sa kailangan ng kanilang gawain.
9Ngunit wala siyang ibinigay sa mga bagay na iyon sa mga kaapu-apuhan ni Kohat, dahil sa kanila ang mga gawaing nauukol sa mga bagay na nabibilang kay Yahweh na kanilang papasanin sa kanilang mga balikat.
10Inialay ng mga pinuno ang kanilang mga handog para sa pagtatalaga ng altar sa araw na binuhusan ni Moises ng langis ang altar. Inialay ng mga pinuno ang kanilang mga handog sa harapan ng altar.
11Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dapat ialay ng bawat pinuno ang kaniyang handog sa kaniyang sariling araw para sa pagtatalaga ng altar.”
12Sa unang araw, inihandog ni Naason na anak ni Aminadab mula sa tribu ni Juda ang kaniyang handog.
13Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil ang mga bagay na ito.
14Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.
15Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking kordero bilang alay na susunugin.
16Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.
17Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Naason na anak ni Amminadab.
18Sa ikalawang araw, inihandog ni Nathanael na anak ni Zuar na pinuno ng tribu ni Isacar ang kaniyang handog.
19Inialay niya bilang kaniyang handog ang isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.
20Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.
21Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.
22Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.
23Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Nethanael na anak ni Zuar.
24Sa ikatlong araw, nag-alay ng kaniyang handog si Eliab na anak ni Helon, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Zebulon.
25Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.
26Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.
27Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang isang alay na susunugin.
28Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.
29Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon.
30Sa ikaapat na araw, nag-alay ng kaniyang handog si Elizur na anak ni Sedeur, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Ruben.
31Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.
32Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.
33Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.
34Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.
35Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Elizur na anak ni Sedeur.
36Sa ikalimang araw, nag-alay ng kaniyang handog si Shelumiel na anak ni Zurisaddai, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Simeon.
37Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.
38Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.
39Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.
40Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.
41Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Selumiel na anak ni Zurisaddai.
42Sa ikaanim na araw, nag-alay ng kaniyang handog si Eliasaf na anak ni Deuel, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Gad.
43Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.
44Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.
45Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.
46Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.
47Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay para sa handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Eliasaf na anak ni Deuel.
48Sa ikapitong araw, nag-alay ng kaniyang handog si Elishama na anak ni Ammiud, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Efraim.
49Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.
50Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.
51Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.
52Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.
53Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Elishama na anak ni Ammiud.
54Sa ikawalong araw, nag-alay ng kaniyang handog si Gamaliel na anak ni Pedasur, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Manases.
55Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.
56Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, puno ng insenso.
57Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.
58Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.
59Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedahzur.
60Sa ikasiyam na araw, nag-alay ng kaniyang handog si Abidan na anak ni Gideon, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin.
61Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na pagkaing butil.
62Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, puno ng insenso.
63Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.
64Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.
65Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Abidan na anak ni Gideon.
66Sa ikasampung araw, nag-alay ng kaniyang handog si Ahiezer na anak ni Ammisaddai, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Dan.
67Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na pagkaing butil.
68Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, puno ng insenso.
69Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.
70Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.
71Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Ammisaddai.
72Sa ikalabing isang araw, nag-alay ng kaniyang handog si Pagiel na anak ni Okran, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Aser.
73Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.
74Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, puno ng insenso.
75Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.
76Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.
77Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Pagiel na anak ni Okran.
78Sa ikalabindalawang araw, nag-alay ng kaniyang handog si Ahira na anak ni Enan, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Neftali.
79Ang kaniyang handog ay isang pilak na pinggan na tumitimbang ng 130 siklo at isang mangkok na pilak na tumitimbang ng pitumpung siklo, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Kapwa puno ang mga bagay na ito ng pinong harina na hinaluan ng langis para sa handog na butil.
80Nagbigay din siya ng isang gintong pinggan na tumitimbang ng sampung siklo, na puno ng insenso.
81Nagbigay siya ng isang batang toro, isang lalaking tupa at isang taong gulang na lalaking tupa bilang alay na susunugin.
82Nagbigay siya ng isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.
83Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan.
84Itinalaga ng mga pinuno ng Israel ang lahat ng bagay na ito sa araw na binuhusan ni Moises ng langis ang altar. Naglaan sila ng labindalawang pilak na pinggan, labindalawang mangkok na pilak at labindalawang gintong pinggan.
85Bawat pilak na pinggan ay tumitimbang ng 130 siklo at bawat mangkok ay tumitimbang ng pitumpung siklo. Tumitimbang ng 2, 400 siklo ang lahat ng lalagyang pilak, ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo.
86Bawat isa sa labindalawang gintong pinggan, na puno ng insenso ay tumitimbang ng sampung siklo ayon sa pamantayang timbang ng santuwaryong siklo. Lahat ng gintong pinggan ay tumitimbang ng 120 siklo.
87Itinalaga nila ang labindalawang batang toro, labindalawang lalaking tupa at labindalawang lalaking tupa na isang taong gulang bilang alay na susunugin. Ibinigay nila ang kanilang handog na butil. Ibinigay nila ang labindalawang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan.
88Mula sa lahat ng kanilang mga alagang hayop, nagbigay sila ng dalawampu't apat na toro, animnapung lalaking tupa, animnapung lalaking kambing at animnapung lalaking tupang isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Para ito sa paglalaan ng altar, nang binuhusan ito ng langis.
89Nang pumasok si Moises sa tolda ng pagpupulong upang makipag-usap kay Yahweh, narinig niya ang kaniyang tinig na kinakausap siya. Kinausap siya ni Yahweh mula sa itaas ng takip ng luklukan ng awa na nasa kaban ng tipan, mula sa gitna ng dalawang kerubim. Nakipag-usap siya sa kaniya.