1Ako ay nagalak nang kanilang sabihin sa akin, “Tayong pumunta sa tahanan ni Yahweh.”
2Ang mga paa natin ay nakatayo sa loob ng iyong tarangkahan, O Jerusalem.
3Ang Jerusalem ay itinayo tulad ng isang lungsod na matatag.
4Ang mga angkan ni Yahweh ay umakyat doon, ang mga angkan ni Yahweh, bilang isang batas para sa Israel para magbigay pasasalamat sa pangalan ni Yahweh.