Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 1

JUAN 1:7-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
7Dumating siya bilang isang saksi upang magpatotoo tungkol sa liwanag, upang ang lahat ay maaaring maniwala sa pamamagitan niya.
8Hindi si Juan ang liwanag, ngunit naparito upang makapagpatotoo siya tungkol sa liwanag.
9Iyon ang tunay na liwanag na dumarating sa mundo at iyon ang nagpapaliwanang sa lahat.
10Siya ay nasa mundo, at ang mundo ay nalikha sa pamamagitan niya, at ang mundo ay hindi nakakakilala sa kaniya.
11Dumating siya sa kaniyang sariling kababayan, at hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga kababayan.
12Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos,
13ipinanganak sila hindi sa pamamagitan nang dugo, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng laman, ni hindi sa pamamagitan nang kagustuhan ng tao, kundi sa pamamagitan ng Diyos.
14Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.
15Pinatotohanan ni Juan ang tungkol sa kaniya at sumigaw na nagsasabi, “Siyang sinabi ko sa inyo, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'”
16Sapagkat mula sa kaniyang kapuspusan tayong lahat ay nakatanggap ng sunod-sunod na libreng kaloob.
17Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Read JUAN 1JUAN 1
Compare JUAN 1:7-17JUAN 1:7-17