2Alalahanin mo kung paano siya nangako kay Yahweh, paano siya namanata sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.
3Sinabi niya, “Hindi ako papasok sa aking bahay o pupunta sa aking higaan,
4hindi ko bibigyan ng tulog ang aking mga mata o pagpapahingahin ang aking mga talukap
5hanggang mahanap ko ang lugar para kay Yahweh, isang tabernakulo para sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.”
6Tingnan mo, narinig namin ang tungkol dito sa Efrata; natagpuan namin ito sa bukirin ng Jaar.
7Pupunta kami sa tabernakulo ng Diyos; sasamba kami sa kaniyang tuntungan.
8Bumangon ka Yahweh; pumunta ka sa lugar ng iyong kapahingahan.
9Nawa ang iyong mga pari ay madamitan ng katapatan; nawa ang siyang tapat sa iyo ay sumigaw para sa kagalakan.
10Para sa kapakanan ng iyong lingkod na si David, huwag kang tumalikod mula sa hinirang mong hari.
11Nangako si Yahweh na magiging matapat kay David; hindi siya tatalikod mula sa kaniyang pangako: “Ilalagay ko ang isa sa iyong mga kaapu-apuhan sa iyong trono.
12Kung pananatilihin ng iyong mga anak ang aking tipan at ang mga batas na ituturo ko sa kanila, ang kanilang mga anak ay mauupo rin sa iyong trono magpakailanman.”
13Totoong pinili ni Yahweh ang Sion; siya ay ninais niya para sa kaniyang upuan.
14Ito ang aking lugar ng kapahingahan magpakailanman; mamumuhay ako rito, dahil ninais ko siya.
15Pagpapalain ko siya ng masaganang pagpapala; Papawiin ko ang kaniyang kahirapan sa pamamagitan ng tinapay.
16Dadamitan ko ang kaniyang mga pari ng kaligtasan; ang mga tapat sa kaniya ay sisigaw ng malakas para sa kagalakan.
17Doon palalakihin ko ang sungay ni David; inilagay ko ang lampara doon para sa hinirang ko.
18Dadamitan ko ang kaniyang mga kaaway na may kahihiyan, pero ang kaniyang korona ay magniningning.