Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Mga Taga-Filipos - Mga Taga-Filipos 4

Mga Taga-Filipos 4:10-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
10Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon.
11Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan.
12Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.
13Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin.
14Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na kayo'y nakiramay sa aking kapighatian.

Read Mga Taga-Filipos 4Mga Taga-Filipos 4
Compare Mga Taga-Filipos 4:10-14Mga Taga-Filipos 4:10-14