Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Hukom - Mga Hukom 6

Mga Hukom 6:36-40

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
36Sinabi ni Gideon sa Diyos, “Kung binabalak mo akong gamitin para iligtas ang Israel, gaya ng sinabi mo—
37Tingnan mo, inilalagay ko ang isang tela na gawa sa balahibo ng tupa sa giikang palapag. Kapag merong hamog sa balahibo ng tupa lamang, at tuyo sa lahat ng lupa, kung gayon malalaman ko na gagamitin mo ako para iligtas ang Israel, gaya ng sinabi mo.”
38Ito ang nangyari—Bumangon si Gideon ng maaga nang sumunod na araw, piniga niyang sabay ang balahibo ng tupa, at piniga ang hamog mula sa balahibo ng tupa, tama lamang para punuin ang isang mangkok ng tubig.
39Pagkatapos sinabi ni Gideon sa Diyos, “Huwag kang magalit sa akin, magsasalita ako ng isa pang beses. Pakiusap pahintulutan mo ako ng isa pang pagsubok gamit ang balahibo ng tupa. Sa pagkakataong ito gawing tuyo ang balahibo ng tupa, at hayaang mayroong hamog sa lahat ng lupa sa palibot nito.”
40Ginawa ng Diyos ang anumang kaniyang hiningi para sa gabing iyon. Ang balahibo ng tupa ay tuyo, at mayroong hamog sa lahat ng lupa sa palibot nito.

Read Mga Hukom 6Mga Hukom 6
Compare Mga Hukom 6:36-40Mga Hukom 6:36-40