Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Awit - Mga Awit 141

Mga Awit 141:1-7

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Yahweh, ako ay tumatawag sa iyo; lumapit ka agad sa akin. Makinig ka sa akin kapag tumawag ako sa iyo.
2Nawa ang aking panalangin ay maging gaya ng insenso sa harapan mo; nawa ang nakataas kong mga kamay ay maging katulad ng alay sa gabi.
3Yahweh, maglagay ka ng isang bantay sa aking bibig; bantayan mo ang pintuan ng aking mga labi.
4Huwag mong hayaan ang aking puso na magnais ng kahit anong masamang bagay o sumama sa makasalanang mga gawain kasama ang mga taong kumikilos ng masama. Nawa ang kanilang masarap na pagkain ay hindi ko kainin.
5Hayaan mong saktan ako ng taong matuwid; ito ay isang kabutihan sa akin. Hayaan mo siyang itama ako; ito ay magiging gaya ng langis sa aking ulo; nawa hindi ito tanggihan ng aking ulo. Pero ang aking panalangin ay palaging laban sa mga gawa ng masasama.
6Ang kanilang mga pinuno ay ihuhulog mula sa itaas ng bangin; maririnig nila na aking sariling mga salita ay kaaya-aya.
7Kanilang sasabihin, “Gaya ng isang nag-aararo at nagbubungkal ng lupa, gayundin ang ating mga buto na kakalat sa bibig ng sheol.”

Read Mga Awit 141Mga Awit 141
Compare Mga Awit 141:1-7Mga Awit 141:1-7