Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 3

Lucas 3:12-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12At may ilang mga maniningil ng buwis ang dumating upang mabautismuhan, at sinabi nila sa kaniya, “Guro, ano ang dapat naming gawin?”
13Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong maningil nang higit sa dapat ninyong sinisingil.”
14May ilang mga kawal rin ang nagtanong sa kaniya, nagsasabi, “At paano naman kami? Ano ang dapat naming gawin?” Sinabi niya sa kanila. “Huwag kayong kumuha ng salapi kanino man nang sapilitan, at huwag ninyong paratangan ang sinuman ng hindi totoo. Masiyahan kayo sa inyong mga sahod.”
15Ngayon, habang ang mga tao ay sabik na naghihintay na dumating si Cristo, nagtataka ang bawat isa sa kanilang mga puso kung si Juan mismo ang Cristo.
16Sinagot sila ni Juan na nagsabi sa kanilang lahat, “Para sa akin, binabautismuhan ko kayo ng tubig, ngunit may isang paparating na mas higit na makapangyarihan kaysa sa akin, at hindi ako karapat-dapat na magkalag man lang ng tali ng kaniyang mgapnyapaks. Siya ang magbabautismo sa inyo ng Banal na Espiritu at ng apoy.
17Ang kaniyang kalaykay ay hawak niya sa kaniyang kamay upang linisin nang mabuti ang kaniyang giikan at upang tipunin ang trigo sa kaniyang kamalig. Ngunit susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mamamatay kailanman.”
18Sa pamamagitan ng iba pang madaming panghihikayat, ipinangaral niya ang magandang balita sa mga tao.
19Sinaway din ni Juan si Herodes na tetrarka, dahil pinakasalan niya ang asawa ng kaniyang kapatid na lalaki, na si Herodias, at sa lahat ng iba pang kasamaan na ginawa ni Herodes.
20Ngunit gumawa pa ng napakasamang bagay si Herodes. Ipinakulong niya sa bilangguan si Juan.
21At nangyari ngang habang ang lahat ng tao ay binabautismuhan, si Jesus ay nabautismuhan din. Habang siya ay nananalangin, ang kalangitan ay bumukas.
22Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya na may anyo na gaya ng kalapati, habang may isang tinig ang nanggaling sa langit, “Ikaw ang aking minamahal na Anak. Lubos akong nalulugod sa Iyo.”
23Ngayon si Jesus mismo, nang siya ay nagsimulang magturo, ay nasa edad na tatlumpung taon. Siya ang anak na lalaki (ayon sa pagpapalagay ng mga tao) ni Jose na anak ni Eli
24na anak ni Matat na anak ni Levi na anak ni Melqui na anak ni Janai na anak ni Jose
25na anak ni Matatias na anak ni Amos na anak ni Nahum na anak ni Esli na anak ni Nagai
26na anak ni Maat na anak ni Matatias na anak ni Semei na anak ni Josec na anak ni Joda
27na anak ni Joanan na anak ni Resa na anak ni Zerubabel na anak ni Salatiel na anak ni Neri
28na anak ni Melqui na anak ni Adi na anak ni Cosam na anak ni Elmadam na anak ni Er

Read Lucas 3Lucas 3
Compare Lucas 3:12-28Lucas 3:12-28