Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Lucas - Lucas 3

Lucas 3:12-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12At dumating naman ang mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo, at sinabi nila sa kaniya, Guro, anong dapat naming gawin?
13At sinabi niya sa kanila, Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo.
14At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo.
15At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, kung siya kaya ang Cristo;
16Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:
17Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.
18Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita;
19Datapuwa't si Herodes na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,
20Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.
21Nangyari nga, nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,
22At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.
23At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon, na anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli,
24Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose,
25Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage,
26Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda,
27Ni Joana, ni Resa, ni Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri,
28Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er,

Read Lucas 3Lucas 3
Compare Lucas 3:12-28Lucas 3:12-28