Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 1

Lucas 1:66-77

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
66At ito ay itinago ng lahat ng nakarinig sa kanilang mga puso, na nagsasabi, “Ano kaya ang magiging kapalaran ng batang ito?” Sapagkat ang kamay ng Panginoon ay nasa kaniya.
67Ang kaniyang amang si Zacarias ay napuspos ng Banal na Espiritu at nagpahayag na nagsasabi,
68“Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, sapagkat tumulong siya at tinubos ang kaniyang mga tao.
69Itinaas niya ang isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa bahay ng kaniyang lingkod na si David, mula sa kaapu-apuhan ng kaniyang lingkod na si David,
70tulad ng sinabi niya sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta noong sinaunang panahon.
71Magdadala siya ng kaligtasan mula sa ating mga kaaway at mula sa kamay ng lahat ng mga galit sa atin.
72Gagawin niya ito upang ipakita ang habag sa ating mga ama at upang alalahanin ang kaniyang banal na kasunduan,
73ang pangako na kaniyang sinalita kay Abraham na ating ama.
74Siya ay nangako na kaniyang tutuparin sa atin, upang tayo, bilang mga pinalaya mula sa kamay ng lahat ng ating mga kaaway, ay makapaglingkod sa kaniya nang walang takot,
75sa kabanalan at katuwiran sa kaniyang harapan sa lahat ng ating panahon.
76Oo, at ikaw, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan, sapagkat ikaw ay mauuna sa Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daraanan, upang ihanda ang mga tao sa kaniyang pagdating,
77upang magbigay kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang mga tao sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

Read Lucas 1Lucas 1
Compare Lucas 1:66-77Lucas 1:66-77