Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 1

JUAN 1:19-37

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
19Ngayon ito ang patotoo ni Juan nang ang mga Judio ay nagpadala sa kaniya ng mga pari at mga Levita mula sa Jerusalem para tanungin siyang, “Sino ka?”
20Malaya niyang inilahad, at hindi ikinaila, ngunit tumugon, “Hindi ako ang Cristo.”
21Kaya siya ay tinanong nila, “Ano ka kung gayon? Ikaw ba si Elias?” Sabi niya, “Hindi ako.” Sabi nila, “Ikaw ba ang propeta?” Sumagot siya, “Hindi.”
22Pagkatapos ay sinabi nila sa kaniya, “Sino ka, upang may maibigay kaming sagot sa mga nagsugo sa amin? Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?”
23Sinabi niya, “Ako ang boses ng isang sumisigaw sa ilang: 'Gawin ninyong tuwid ang daraanan ng Panginoon,' gaya nang sinabi ni Isaias na propeta.”
24Ngayong mayroong mga isinugo duon mula sa mga Pariseo. Tinanong nila siya at sinabi sa kaniya,
25“Kung ganoon bakit ka nagbabautismo kung hindi ikaw ang Cristo, ni hindi si Elias, ni hindi ang propeta?”
26Tumugon si Juan sa kanila sinasabi, “Nagbabautismo ako ng tubig. Subalit, sa kalagitnaan ninyo ay nakatayo ang isang hindi ninyo nakikilala.
27Siya ang darating kasunod ko. Hindi ako karapat-dapat na magtanggal ng tali ng kaniyang sandalyas.”
28Ang mga bagay na ito ay nangyari sa Bethania sa kabilang ibayo nang Jordan, kung saan si Juan ay nagbabautismo.
29Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, “Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo!
30Siya ang sinabi ko sa inyo na, 'Ang darating kasunod ko ay mas higit sa akin, sapagkat siya ay nauna sa akin.'
31Hindi ko siya nakilala, ngunit ito ay nangyari upang maihayag siya sa Israel na siyang dahilan na ako ay nagbabautismo ng tubig.”
32Nagpatotoo si Juan, “Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa langit tulad ng isang kalapati, at ito ay nanatili sa kaniya.
33Hindi ko siya nakilala, ngunit ang sabi sa akin ng nagsugo sa akin na magbautismo sa tubig, 'Kung kanino mo makikita ang Espiritu na bumababa at nananatili, siya ang magbabautismo ng Banal na Espiritu.'
34Pareho kong nakita at napatotohanan na ito ang Anak ng Diyos.
35Muli, sa sumunod na araw, habang si Juan ay nakatayong kasama ang dalawang alagad
36nakita nila si Jesus na naglalakad sa malapit, at sinabi ni Juan, “Tingnan ninyo, ayun ang Kordero ng Diyos!”
37Narinig ng dalawang alagad na sinabi ni Juan ito, at sila ay sumunod kay Jesus.

Read JUAN 1JUAN 1
Compare JUAN 1:19-37JUAN 1:19-37