Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 23

Joshua 23:5-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
5Paaalisin sila ni Yahweh na inyong Diyos. Itutulak siya niya mula sa inyo. Sasakupin niya ang kanilang lupain, at aariin ninyo ang kanilang lupain, gaya ng ipinangako sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
6Kaya maging matatag kayo, kaya mapapanatili ninyo at magagawa ang lahat ng nakasulat sa Aklat ng Batas ni Moises, hindi kayo lilihis mula rito sa kanan o sa kaliwa,
7kaya hindi kayo maisasama sa mga bansang ito na nananatiling kasama ninyo o babanggitin ang mga pangalan ng kanilang mga diyos, sumumpa sa kanila, sambahin sila, o yumukod sa kanila.
8Sa halip, dapat kayong kumapit kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng nagawa ninyo hanggang sa araw na ito.
9Dahil pinaalis ni Yahweh sa harap ninyo ang malaki, malakas na mga bansa. Para sa inyo, walang isa man ang nakatayo sa harapan ninyo hanggang sa kasalukuyan.
10Sinumang nag-iisang lalaki sa inyong bilang ay gagawang patakasin ang isang libo, para kay Yahweh na inyong Diyos, ang tanging lumalaban para sa inyo, gaya ng ipinangako niya sa inyo.
11Bigyan ng kaukulang pansin, para mahalin ninyo si Yahweh na inyong Diyos.
12Pero kung tatalikod kayo at kakapit sa mga nakaligtas sa mga bansang ito nanatiling kasama ninyo, o kung kumuha ng asawa mula sa kanila, o kung makikisama kayo sa kanila at sila sa inyo,

Read Joshua 23Joshua 23
Compare Joshua 23:5-12Joshua 23:5-12