15Sinumang manakit sa kaniyang ama o ina ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
16Sinumang dumukot ng isang tao at ito ay kaniyang ipinagbili, o ang tao ay natagpuan sa kaniyang pangangalaga, ang taong dumukot ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
17Sinumang sumpain ang kaniyang ama o kaniyang ina ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
18Kung mag-aaway ang mga lalaki at may isang taong manakit ng iba tao na gamit ang bato o ang kaniyang kamao, at ang taong iyon ay hindi namatay, pero nanatiling nakahiga;
19pagkatapos kung ito'y gumaling na at maaring makalakad gamit ang kaniyang tungkod, ang taong nanakit sa kaniya ay dapat magbayad sa nasayang nitong panahon; dapat din itong magbayad para sa kaniyang ganap na gagaling. Pero ang taong iyon ay mapapawalang-sala.
20Kung sinaktan ng isang tao ang kaniyang lingkod na lalaki o ang kaniyang lingkod na babae gamit ang kaniyang tungkod, at kung ang lingkod ay namatay dahil sa pagkakapalo, ang taong iyon ay dapat siguradong maparusahan.