Text copied!
CopyCompare
banal na Bibliya - Exodo

Exodo 8

Help us?
Click on verse(s) to share them!
1Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Puntahan mo si Paraon at sabihin mo sa kaniya, 'Ito ang sinabi ni 'Yahweh: “Hayaan mong umalis ang aking bayan para sila ay sumamba sa akin.
2Kung tatanggi ka na paalisin sila, pararanasin ko ang iyong buong bansa ng mga salot na palaka.
3Mapupuno ang ilog ng mga palaka. Aahon sila at papasok sa iyong bahay, sa iyong silid tulugan, at sa iyong higaan. Pupunta sila sa mga bahay ng iyong mga lingkod. Sila ay pupunta sa iyong bayan, sa iyong mga hurno, sa iyong mga masahang mangkok.
4Sasalakay ang mga palaka sa iyo, sa iyong mga tauhan, at sa lahat ng iyong mga lingkod.”’”
5Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Iunat mo ang iyong kamay at ang iyong tungkod sa ibabaw ng mga ilog, sa mga sapa at sa mga tubigan at dalhin mo ang mga palaka doon sa lupain ng Ehipto.”'
6Inunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa ibabaw ng mga tubig ng Ehipto, at nagsilabasan ang mga palaka at linukob ang lupain ng Ehipto.
7Pero ang mga salamangkero ay gumawa ng katulad din nito gamit ang kanilang mga salamangka: nagdala rin sila ng mga palaka sa lupain ng Ehipto.
8Pagkatapos tinawag ni Paraon sina Moises at Aaron at sinabi, “Manalangin kayo kay Yahweh para paalisin niya ang mga palaka mula sa akin at sa aking bayan. Pagkatapos hahayaan ko ang mga tao na umalis, para maghandog sa kaniya.”
9Sinabi ni Moises kay Paraon, “Maaari kang magkaroon ng pribilehiyo na sabihan ako kung kailan ako magdasal para sa iyo, sa iyong mga lingkod at sa iyong bayan, para ang mga palaka ay mawala mula sa iyo at sa iyong mga bahay at manatili lamang doon sa ilog.”
10Sinabi ni Paraon, “Bukas.” Sinabi ni Moises, “Mangyayari ayon sa sinabi mo, para malaman mo na walang ibang katulad ni Yahweh, ang aming Diyos.
11Aalis ang mga palaka mula sa iyo, sa iyong mga bahay, sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan. Mananatili lamang ang mga ito sa ilog.”
12Umalis sina Moises at Aaron mula kay Paraon. Pagkatapos tumawag si Moises kay Yahweh tungkol sa mga palaka na dinala niya roon kay Paraon.
13Ginawa ni Yahweh ang hiningi ni Moises: ang mga palaka ay namatay sa loob ng mga bahay, mga patyo, at sa mga parang.
14Tinipon ito ng mga tao sa tambakan at nangamoy ang lupain.
15Pero nang nakita ni Paraon na mayroon doong kaginhawahan, pinatigas niya ang kaniyang puso at hindi siya nakinig kina Moises at Aaron, tulad ng kung ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya.
16Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Iunat mo ang iyong tungkod at hampasin mo ang alikabok sa lupa, para ito ay maging niknik sa lahat ng lupain ng Ehipto.”'
17Ginawa nila ito: Iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay at ang kaniyang tungkod. Hinampas niya ang alikabok sa lupa. Dumating ang mga niknik sa mga tao at sa mga hayop. Lahat ng mga alikabok sa lupa ay naging niknik sa buong lupain ng Ehipto.
18Ang mga salamangkero ay nagsubok gamit ang kanilang salamangka para makagawa ng niknik, pero hindi sila nakagawa. May mga niknik sa mga tao at mga hayop.

19Pagkatapos sinabi ng mga salamamgkero kay Paraon, “Ito ang daliri ng Diyos” Pero ang puso ni Paraon ay pinatigas, kaya tumanggi siyang makinig sa kanila. Tulad ito ng sinabi ni Yahweh na gagawin ni Paraon.
20Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumising ka ng maaga at tumayo sa harapan ni Paraon habang siya ay papunta ng ilog. Sabihin mo sa kaniya, 'Ito ang sinabi ni Yahweh: “Hayaan mong umalis ang aking bayan para sila ay sumamba sa akin.
21Pero kung hindi mo paaalisin ang aking bayan, magpapadala ako ng mga kuyog ng langaw sa iyo, sa iyong mga lingkod, at sa iyong mga tauhan, at sa iyong mga bahay. Ang mga bahay ng mga taga-Ehipto ay mapupuno ng mga kuyog ng langaw, at kahit sa lupa kung saan sila nakatayo ay mapupuno ng mga langaw.
22Pero sa araw na iyon ituturing kong kakaiba ang lupain ng Gosen, ang lupain kung saan naninirahan ang aking bayan, para walang mga kuyog ng langaw ang paparoon. Ito ay mangyayari para iyong malaman na ako si Yahweh sa kalagitnaan ng lupaing ito.
23Gagawa ako ng pagkakakilanlan sa pagitan ng aking bayan at ng iyong bayan. Itong tanda ng aking kapangyarihan ay magaganap bukas.””
24Ginawa nga ito ni Yahweh, at ang makakapal na mga kuyog ng langaw ay dumating sa bahay ni Paraon at sa mga bahay ng kaniyang mga lingkod. Sa buong lupain ng Ehipto, ang lupain ay nasalanta dahil sa mga kuyog ng langaw.
25Tinawag ni Paraon sina Moises at Aaron at sinabi, “Lumakad kayo, mag-alay kayo sa inyong Diyos dito sa aming sariling lupa.”
26Sinabi ni Moises, “Hindi tama sa amin na gawin iyan, dahil ang mga handog na aming ginagawa para kay Yahweh na aming Diyos ay karumal-dumal para sa mga taga Ehipto. Kapag gumawa kami ng pag-aalay na karumal-dumal sa paningin ng mga taga-Ehipto, hindi ba nila kami babatuhin?
27Hindi, ito ay tatlong araw na paglalakbay patungong ilang na aming gagawin, para makapag-alay kay Yahweh na aming Diyos, ayon sa kaniyang iniutos sa amin.”
28Sinabi ni Paraon, “Papayag ako na umalis kayo at maghandog kay Yahweh na inyong Diyos doon sa ilang. Huwag lamang kayong pumunta sa napakalayo. At ipanalangin ninyo ako.”
29Sinabi ni Moises, “Pagkaalis na pagkaalis ko mula sa iyo, mananalangin ako kay Yahweh na ang mga kuyog ng langaw ay aalis mula sa inyo, Paraon, at sa iyong mga lingkod at sa bayan mo bukas. Pero ikaw ay hindi na dapat manlinlang sa pamamagitan ng hindi pagpaalis sa aking bayan para maghandog kay Yahweh.”
30Umalis si Moises mula kay Paraon at nanalangin kay Yahweh.
31Ginawa ni Yahweh ang hiniling ni Moises: Inalis niya ang mga kuyog ng langaw mula kay Paraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan. Wala ni isa ang natira.
32Pero sa panahong ito pinatigas pa rin ni Paraon ang kaniyang puso, at hindi niya pinayagang umalis ang bayan.