10Kapag kayo ay lalabas para makipagdigma laban sa inyong mga kaaway at ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos ang tagumpay at inilagay sila sa ilalim ng inyong pamamahala, dapat ninyo silang dalhin bilang mga bihag.
11Kung may makita kayo sa mga bihag na isang magandang babae, at nagkagusto kayo sa kaniya at ninais ninyo siyang kunin para maging sarili ninyong asawa,
12pagkatapos iuuwi ninyo siya sa inyong bahay, aahitan niya ang kaniyang ulo at puputulin ang kaniyang mga kuko.
13Huhubarin niya ang suot-suot niyang mga damit nang siya ay bihagin, at siya ay mananatili sa inyong tahanan at magluluksa para sa kaniyang ama at kaniyang ina ng isang buong buwan. Pagkatapos nito maaari ka nang matulog kasama niya at magiging kaniyang asawa, at siya ay magiging iyong asawa.
14Pero kung hindi ka nalugod sa kaniya, hayaan ninyo nalang siyang pumunta kung saan niya hilingin. Pero hindi ninyo siya dapat na ipagbili para lamang sa pera, at huwag ninyo siyang ituring na parang isang alipin, dahil ipinahiya ninyo siya.
15Kung ang isang lalaki ay may dalawang asawa, isang minamahal at isang kinasusuklaman, at pareho silang may mga anak sa kaniya— pareho sa minamahal na asawa at ang kinasusuklamang asawa—kung ang panganay na lalaking anak ay sa nasa kinasusuklaman,
16sa gayon sa araw na ang lalaki ay magbibigay ng pamana sa kaniyang mga anak na lalaki na kanilang magiging pag-aari, hindi niya maaring gawin ang anak na lalaki sa minamahal na asawa na maging panganay na anak bago ang anak na lalaki sa kinasusuklamang asawa, ang siyang tunay na panganay na anak na lalaki.
17Sa halip, dapat niyang kilalanin ang panganay, ang anak na lalaki ng asawang kinasusuklaman, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dobleng bahagi ng lahat ng kaniyang pag-aari; dahil ang anak na lalaking iyon ang simula ng kaniyang lakas; ang karapat ng unang anak ay pag aari niya.