Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Mga Gawa - Mga Gawa 4

Mga Gawa 4:8-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
8At si Pedro, na napuspos ng Banal na Espiritu ay nagsabi, “Kayong mga pinuno ng mga tao at mga nakatatanda,
9kung sinisiyasat kami sa araw na ito tungkol sa kabutihang ginawa sa isang lalaking may karamdaman- sa anong paraan napagaling ang lalaking ito?
10Malaman nawa ninyong lahat, at ng lahat ng mga taga-Israel, na sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na muling binuhay ng Diyos mula sa mga patay- sa pamamagitan niya kaya ang lalaking ito ay nakatayo na malusog sa inyong harapan.
11Si Jesu-Cristo ang bato na itinakwil ninyo, bilang mga tagapagtayo, ngunit siya pa rin ang ginawang pangunahing batong panulukan.
12Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas.”
13Nang makita nila ang katapangan ni Pedro at Juan, at nabatid nila na sila ay pangkaraniwan lang, mga taong walang pinag-aralan, nagulat sila, at nalaman nilang sina Pedro at Juan ay nakasama ni Jesus.
14Dahil nakita nila ang lalaking gumaling na nakatayong kasama nila, wala silang masabi laban dito.
15Ngunit pagkatapos nilang utusan ang mga apostol na iwan ang pagpupulong ng konseho, nag-usap-usap sila.
16Sinabi nila, “Ano ang gagawin natin sa mga lalaking ito?” Dahil ang katotohanan na may kakaibang himalang nagawa sa pamamagitan nila ay nalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem at hindi natin ito maipagkakaila.
17Ngunit upang hindi ito kumalat pa sa mga tao, bigyan natin sila ng babala na huwag magsasalita kaninuman sa pangalang ito.”
18Tinawag nila sina Pedro at Juan na pumasok at inutusan sila na huwag magsasalita o magtuturo kailan man sa pangalan ni Jesus.
19Ngunit sumagot sina Pedro at Juan at sinabi sa kanila, “Kung tama sa paningin ng Diyos na sundin kayo sa halip na siya, kayo na ang humatol.
20Dahil hindi namin kayang hindi magsalita tungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig.”
21Pagkatapos muling balaan sina Pedro at Juan, pinayagan na nila silang umalis. Hindi sila makahanap ng anumang dahilan upang sila ay parusahan, sapagka't ang lahat ng mga tao ay nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari.

Read Mga Gawa 4Mga Gawa 4
Compare Mga Gawa 4:8-21Mga Gawa 4:8-21