Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Lucas - Lucas 23

Lucas 23:29-45

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
29Dahil tingnan ninyo, darating ang mga araw na sasabihin nila, 'Pinagpala ang mga baog at ang mga sinapupunang hindi nanganak, at ang mga suso na hindi nagpasuso.'
30Sa panahong iyon sasabihin nila sa mga bundok, 'Bumagsak kayo sa amin,' at sa mga burol, 'Tabunan ninyo kami.'
31Sapagkat kung gagawin nila ang mga bagay na ito habang ang puno ay berde, anong magyayari kapag tuyo na ito?”
32May iba pang dalawang lalaking na mga kriminal ang dinala kasama niya upang patayin.
33Nang makarating sila sa lugar na kung tawagin ay Bungo, doon ay kanilang ipinako siya sa krus kasama ang mga kriminal, isa sa kaniyang kanan at isa sa kaniyang kaliwa.
34Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” At sila ay nagsapalaran, hinati-hati ang kaniyang kasuotan.
35Ang mga tao ay nakatayong nanonood habang kinukutya rin siya ng mga pinuno, sinasabi, “Niligtas niya ang iba. Hayaan ninyong iligtas niya ang kaniyang sarili, kung siya nga ang Cristo ng Diyos, ang hinirang.”
36Pinagtawanan din siya ng mga kawal, lumalapit sa kaniya, inaalukan siya ng suka,
37at sinasabi, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.”
38Mayroon ding isang karatula sa itaas niya, “ITO ANG HARI NG MGA JUDIO.”
39Nilait siya ng isa sa mga kriminal na nakapako sa krus, sinasabi, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at kami.”
40Ngunit sumagot ang isa, sinaway siya at sinabi, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos, sapagkat ikaw ay nasa ilalim ng parehong parusa?
41Nararapat lang na narito tayo, sapagkat tinatanggap natin ang nararapat sa ating mga ginawa. Ngunit ang taong ito ay walang ginawang mali.”
42At dagdag pa niya, “Jesus, alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.”
43Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tunay ngang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa paraiso.”
44Nang pasapit na ang Ika-anim na oras, nagdilim sa buong lupain hanggang sa ika-siyam na oras
45habang nagdidilim ang araw. Pagkatapos, nahati sa gitna ang kurtina ng templo.

Read Lucas 23Lucas 23
Compare Lucas 23:29-45Lucas 23:29-45