Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 6

Joshua 6:21-26

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
21Winasak nila ng ganap ang lahat ng nasa lungsod gamit ang talim ng espada—lalaki at babae, bata at matanda, lalaking baka, tupa at mga asno.
22Pagkatapos sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nagmanman sa lupain, “Puntahan ang bahay ng bayarang babae. Dalhin palabas ang babae at lahat ng kasama niya, ayon sa inyong sumpa sa kaniya.”
23Kaya ang kabataang lalaki na nagmanman ay pumasok at inilabas si Rahab. Nilabas nila ang kaniyang ama, ina, mga kapatid at lahat ng kamag-anak na kasama niya. Dinala nila sila sa isang lugar sa labas ng kampo ng Israel.
24At sinunog nila ang lungsod at lahat ng naririto. Tanging pilak, ginto at mga sisidlang tanso at bakal ang inilagay sa ingatang yaman ng bahay ni Yahweh.
25Pero pinahintulutan ni Josue si Rahab ang bayarang babae, ang sambahayan ng kaniyang ama, at lahat ng kasama niya na mabuhay. Nanirahan siya sa Israel hanggang sa araw na ito, dahil itinago niya ang mga lalaking ipinadala ni Josue para magmanman sa Jerico.
26Pagkatapos sa pagkakataong iyon inutusan sila ni Josue kasama ng isang panunumpa at sinabi niya, “Sumpain ang tao sa paningin ni Yahweh na magtatayong muli ng lungsod na ito, ang Jerico. Sa ikapapahamak ng kaniyang panganay na anak na lalaki, ilalatag niya ang pundasyon at sa ikapapahamak ng kaniyang bunsong anak na lalaki, itatayo niya ang mga tarangkahan nito.”

Read Joshua 6Joshua 6
Compare Joshua 6:21-26Joshua 6:21-26