Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 21

Joshua 21:3-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Kaya sa pamamagitan ng utos ni Yahweh, ibinigay ng bayan ng Israel sa mga Levita mula sa kanilang minana ang mga sumusunod na lungsod, kabilang ang kanilang mga lupang pastulan, para sa mga Levita.
4Ibinigay ang resulta ng palabunutang ito para sa mga angkan ng mga Kohatita: ang mga pari— ang mga kaapu-apuhan ni Aaron na mula sa mga Levita— tumanggap ng labing tatlong lungsod na ibinigay mula sa lipi ni Juda, mula sa lipi ni Simeon, at mula sa lipi ni Benjamin.
5Ang mga natirang angkan ng mga Kohatita ay tumanggap ng sampung lungsod sa pamamagitan ng mga palabunutan ng sampung lungsod mula sa mga angkan ng mga lipi ni Efraim, Dan, at mula sa kalahating lipi ni Manases.
6At binigyan ang mga taong mula sa Gerson sa pamamagitan ng palabunutan ng labintatlong lungsod mula sa mga angkan ng mga lipi nina Isacar, Aser, Neftali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Bashan.
7Ang bayan na mga kaapu-apuhan ni Merari ay tumanggap ng labindalawang lungsod mula sa mga lipi nina Ruben, Gad, at Zebulon.
8Kaya ibinigay ng bayan ng Israel ang mga lungsod na ito, kasama ang kanilang mga lupang pastulan, sa mga Levita sa pamamagitan ng mga palabunutan, gaya ng inutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
9Mula sa mga lipi ng Juda at Simeon, nagtalaga sila ng lupain sa mga sumusunod na mga lungsod, nakalista rito ang bawat pangalan.
10Ibinigay ang mga lungsod na ito sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, na kabilang sa mga angkan ng mga Kohatita, na nagmula naman sa lipi ni Levi. Dahil natapat sa kanila ang unang mga palabunutan.
11Ibinigay ng mga Israelita sa kanila ang Kiriat Arba (si Arba ang naging ama ni Anak), ang parehong lugar gaya ng Hebron, sa maburol na lupain ng Juda, kasama ang mga lupang pastulan sa paligid nito.
12Pero ibinigay na kay Caleb na anak ni Jepunne ang mga bukid ng lungsod at ang mga nayon nito, bilang pag-aari niya.

Read Joshua 21Joshua 21
Compare Joshua 21:3-12Joshua 21:3-12