Text copied!
Bibles in Tagalog

Joshua 21:3-12 in Tagalog

Help us?

Joshua 21:3-12 in Ang Dating Biblia (1905)

3 At sa kanilang mana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita, ayon sa utos ng Panginoon, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
4 At ang kapalarang ukol sa mga angkan ng mga Coathita ay lumabas; at ang mga anak ni Aaron na saserdote, na kabilang sa mga Levita, ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ni Juda, at sa lipi ng mga Simeonita, at sa lipi ni Benjamin, ng labing tatlong bayan.
5 At ang nalabi sa mga anak ni Coath ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Ephraim, at sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases, ng sangpung bayan.
6 At ang mga anak ni Gerson ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan, ng labing tatlong bayan.
7 Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay nagtamo sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, ng labing dalawang bayan.
8 At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng sapalaran ang mga bayang ito pati ng mga nayon nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
9 At sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay kanilang ibinigay ang mga bayang ito na nabanggit sa pangalan:
10 At pawang sa mga anak ni Aaron, sa mga angkan ng mga Coathita, na mga anak ni Levi: sapagka't sa kanila ang unang kapalaran.
11 At ibinigay nila sa kanila ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac, (na siya ring Hebron,) sa lupaing maburol ng Juda, pati ng mga nayon niyaon sa palibot.
12 Nguni't ang mga parang ng bayan, at ang mga nayon, ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jephone na pinakaari niya.
Joshua 21 in Ang Dating Biblia (1905)

Joshua 21:3-12 in Banal na Bibliya

3 Kaya sa pamamagitan ng utos ni Yahweh, ibinigay ng bayan ng Israel sa mga Levita mula sa kanilang minana ang mga sumusunod na lungsod, kabilang ang kanilang mga lupang pastulan, para sa mga Levita.
4 Ibinigay ang resulta ng palabunutang ito para sa mga angkan ng mga Kohatita: ang mga pari— ang mga kaapu-apuhan ni Aaron na mula sa mga Levita— tumanggap ng labing tatlong lungsod na ibinigay mula sa lipi ni Juda, mula sa lipi ni Simeon, at mula sa lipi ni Benjamin.
5 Ang mga natirang angkan ng mga Kohatita ay tumanggap ng sampung lungsod sa pamamagitan ng mga palabunutan ng sampung lungsod mula sa mga angkan ng mga lipi ni Efraim, Dan, at mula sa kalahating lipi ni Manases.
6 At binigyan ang mga taong mula sa Gerson sa pamamagitan ng palabunutan ng labintatlong lungsod mula sa mga angkan ng mga lipi nina Isacar, Aser, Neftali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Bashan.
7 Ang bayan na mga kaapu-apuhan ni Merari ay tumanggap ng labindalawang lungsod mula sa mga lipi nina Ruben, Gad, at Zebulon.
8 Kaya ibinigay ng bayan ng Israel ang mga lungsod na ito, kasama ang kanilang mga lupang pastulan, sa mga Levita sa pamamagitan ng mga palabunutan, gaya ng inutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
9 Mula sa mga lipi ng Juda at Simeon, nagtalaga sila ng lupain sa mga sumusunod na mga lungsod, nakalista rito ang bawat pangalan.
10 Ibinigay ang mga lungsod na ito sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, na kabilang sa mga angkan ng mga Kohatita, na nagmula naman sa lipi ni Levi. Dahil natapat sa kanila ang unang mga palabunutan.
11 Ibinigay ng mga Israelita sa kanila ang Kiriat Arba (si Arba ang naging ama ni Anak), ang parehong lugar gaya ng Hebron, sa maburol na lupain ng Juda, kasama ang mga lupang pastulan sa paligid nito.
12 Pero ibinigay na kay Caleb na anak ni Jepunne ang mga bukid ng lungsod at ang mga nayon nito, bilang pag-aari niya.
Joshua 21 in Banal na Bibliya