1Makinig ka, Yahweh, at sagutin mo ako, dahil ako ay mahirap at inapi.
2Pangalagaan mo ako, dahil ako ay matapat; aking Diyos, iligtas mo ang iyong lingkod na nagtitiwala sa iyo.
3Maawa ka sa akin, Panginoon, dahil ako ay tumatawag sa iyo buong araw.
4Pasayahin mo ang iyong lingkod, dahil sa iyo, Panginoon, ako nagdarasal.
5Ikaw, Panginoon, ay mabuti, at handang magpatawad, at nagpapakita ka ng malaking awa sa lahat ng tumatawag sa iyo.
6Yahweh, makinig ka sa aking panalangin, dinggin mo ang aking pagsamo.
7Sa araw ng aking kaguluhan tumatawag ako sa iyo, dahil sasagutin mo ako.